Chapter 46

1.9K 42 0
                                    

DWAYNE'S POV.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kabuuan ng kwarto.Wala na akong ibang makita kundi ang kulay puti na pintura ng silid na ito.

Napabuntong hininga na lang ako.Hanggang kailan ba ako mananatili sa lugar na t'o?Gustung gusto ko nang umuwi sa bahay dahil ayoko na dito.

Kinalikot ko na lang ang mga nakalagay sa table dahil wala talaga akong magawa.Umalis kase ang asawa ko at hanggang ngayon ay wala pa siya.Ano na kayang nangyari dun?Sana naman nasa maayos siyang kalagayan.

Nangunot lang ang kilay ko ng may makapa ako sa bulsa ko na kung ano kaya naman agad ko yung dinukot at inilabas.Halos mag isang guhit ang hilatsa sa noo ko ng makita ko ang bagay na iyon.

Isang pad lock na may kasamang heart at magkadikit.Bale nakapadlock sila pareho.

"Anong klaseng pad lock t'o?"Tanong ko pa.Akmang babasahin ko na ang pangalan na nakasulat dun ng marinig kong bumukas ang pinto kaya naman agad kong ibinalik iyon sa bulsa ko.Mamaya ko na lang siguro titingnan kung anu yon.

"Hello babe,kamusta ang pakiramdam mo?"Malambing na tanong ng asawa ko.Ngumiti na lang ako pero wala man lang akong maramdaman.Pakiramdam ko pa may kulang.Napailing na lang ako,kung anu ano na naman ang iniisip ko.

"Ayos lang ako asawa ko,Napagod ka ba sa labas?"Tanong ko.Ngumiti naman siya at agad na inilapag ang binili niyang pagkain na nakalagay na sa tray sa ibabaw ng kama.

"Hindi naman gaano,para sayo naman kase to'ng binili ko kaya ayos lang"Napatango na lang ako.Bakit ganun?Dapat nginingitian ko siya pero wala talaga.Hindi ko magawang ngumiti o maglambing man lang sa kanya.Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

"Uhm,Babe?Ayos ka lang?"Biglang tanong niya.Napalingon naman ako agad na nakakunot ang noo.

"H-huh?"Parang ewan na tanong ko.Nakita ko namang nagpout siya at imbis na matawa ako dahil nagmukha siyang cute ay bigla na lang akong nairita.Aish!Ano bang nangyayari sakin?

"Hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko dito babe eh.May problema ba?"Nag aalalang tanong niya.Mabilis naman akong umiling.

"Walang akong problema.Pagod lang ako"Pagdadahilan ko.Akmang magsasalita ulit siya ng sabay kaming mapalingon sa pintuan ng basta na lang yun bumukas.

Agad na nag isang guhit ang hilatsa ng noo ko habang nagtatakang nakatitig sa tatlong bata na mukhang anghel.

Naramdaman ko na lang na biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nakaramdam ng matinding tuwa na hindi ko malaman kung saan nagmula.Gusto ko silang yakapin pero nag aalangan ako.

"Anong ginagawa niyo dito ba--"

"Papa!"Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng  isa sa kanila at agad na tumakbo palapit sakin para yakapin ako.Parang may kung ano na humaplos sa puso ko.Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanila.Bakit kaya niya ako tinawag na papa?Anak ko ba siya?

"Papa,Miss na miss na miss ka na po namin."Sabi pa niya habang nakayakap sakin.Hindi naman ako agad nakapagsalita at parang natulala pa ako.Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko na hindi ko malaman.

"Ahm bata?H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.Bakit tinatawag mo akong papa?"Naguguluhang tanong ko.

Naramdaman ko naman na natigilan ang bata at kusang napabitaw ng yakap sakin.

"Nagbibiro ka po ba papa?"Tanong niya pa.Umiling naman ako bilang sagot.

Bigla na lang siyang umiyak kaya naman naalarma  ako dahil ayokong nakakakita ng umiiyak na bata.Ako kase ang mas nahihirapan.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon