🌿🌹🌿
"Kanino galing yang bulaklak?"Biglang tanong niya habang masama ang timpla nang mukha na nakatitig sa may bulaklak na bigay sakin ni Shiro.Nginitian ko lang siya ng nakakaloko.
"Yung bulaklak?Kay Shiro.Buti pa siya nagagawa akong bigyan niyan kahit hindi ko naman hingin"Makahulugang sabi ko.Wala naman ako ibang meaning dun.Gusto ko lang siyang asarin kase naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
Mas lalo naman nalukot ang mukha niya.Napasimangot na rin siya.Pfft!Wala pa rin palang pinagbago.Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakasimangot siya.
"Love naman,Asawa kita!Ako lang dapat ang nagbibigay sayo niyan wala nang iba"Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay at mabilis na itinaas ang bulaklak ng akmang kukunin niya iyon.
🌹🌹🌹
Binuksan ko na lang agad ang gate namin.Bumungad naman agad sakin si Dwayne na ang lapad ng ngiti.Nangunot lang ang noo ko.Mukhang masayang masaya siya ngayon.
"Uhmm,bakit kung makangiti ka parang wala nang bukas?"Naguguluhang tanong ko sa kanya.Nginitian niya lang ako lalo at halos mag isang guhit ang pagkakakunot ng noo ko nang iabot niya sakin ang hawak niyang boquet of roses,and stuff toy with chocolates.Tiningnan ko lang siya ng puno ng pagtataka habang hawak ang binigay niya.
"Ano toh?Bakit mo ako binigyan nito?Anong okasyon?"Parang ewan na sabi ko.Narinig ko naman ang malamyos niyang tawa na parang naging musika sa aking pandinig.
"Well, love, Bouquet of roses and another sweet stuff.And why I am giving those things to you? Simply because you're special to me, you're the lady of my dreams and the owner of my heart, The girl I love more than myself. And I will never be tired of doing this every day until forever"
Napangiti na lang ako dahil sa kilig.Parang tinatambol ang puso ko.I don't know why,maybe because I am deeply Inlove with him.The one and only who stole my heart,Just like Heart String.
"Oo na,pumasok ka na nga lang tayo"Pag iiba ko nang usapan dahil pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko sa sobrang kilig.Nakakainis naman kase.Bigla naman siyang ngumisi,For sure aasarin na naman ako nito.
"Why are you blushing?Kinikilig ang love ko"Asar niya pa.Napairap na lang ako.
"Ano naman ngayon?May batas ba na nagsasabing kapag ang isang tao ay kinikilig sa taong mahal niya may nakapataw na parusa?"Mataray na sabi ko.Nanlaki lang ang mata ko ng bigla niya akong halikan sa labi.Smack lang yun,kung tumagal baka nasapak ko na siya.Kiss stealer!
"Well,Yes love.If you smile at me,When you blush when I am sweet .I will kiss you"Sabay kindat niya pa.Napataas na lang ako ng kilay at napabuntong hininga.
Bakit ganun?Bakit sobrang bigat nang pakiramdam ko?Hindi ko rin magawang imulat ang mata ko.Kung anu ano pang imahe ang tumatakbo sa isip ko.Para bang bumabalik yung mga memories na kasama ko si Dwayne.
🌿🌹🌿"Bakit?May masama ba na halikan kita?Mas maganda nga yun para malaman ng mga anak natin na mahal natin ang isa't isa"Pabiro lang akong napairap at pasimple siyang kinurot sa tagiliran.
"Oo na,Dami mo pang sinabi eh.Kumain kana ba?"Tanong ko.Bigla naman siyang napasimangot.
"Nasan na ang Love dun?"Nakanguso niyang sabi.Napabuntong hininga na lang ako.
"Pasalamat ka mahal kita,Kumain ka na ba Love?"Ulit ko.Ngumiti naman siya bigla,Parang baliw lang.
"Hindi pa,Sa labas na lang ako kakain.Late na rin kase"Tsaka ko lang naalala na may pasok pala ako.Hindi pa ako nakakapag ayos ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.