Chapter 17

5K 84 0
                                    

ALESSANDRA'S POV.

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog ang alarm clock sa gilid ko.Pupungas pungas pa ako ng imulat ko ang dalawa kong mata bago pinatay ang alarm clock sa gilid ng one night stand.

Napahikab pa ako dahil kagigising ko lang bago tuluyang bumangon at umalis ng kama.Nang lingunin ko naman ulit ang orasan ay nakita kong pasado ala sais pa lang.

Nagsuot na lang muna ako ng slippers at lumabas ng kwarto.Agad na nangunot ang noo nang hindi man lang ako makarinig ng kahit anong ingay sa paligid nang buong mansion.

Nagsalubong lang ang kilay ko.Bakit sobra naman ang katahimikan sa buong mansion?Nasan naman kaya nagpunta ang mga tao dito?Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na gamit ang hagdan.

Tanging ang mga yabag lamang ng mga paa ko dulot ng paglalakad ang naririnig dahil na rin sa sobrang katahimikan.

Niyakap ko na lang ang sarili ko bago nagpunta sa kitchen.Kukuha lang ako ng maiinom sa ref.Nauuhaw na kase ako.Agad ko namang binuksan ang ref at kumuha roon ng pitchel na may lamang tubig.Nagsalin na lang ako ng tubig sa baso sabay inom nun.Para akong nakahinga ng maluwag nang dumaloy ang malamig na tubig sa lalamunan ko.Napatigil naman ako ng pumasok sa kitchen si Kuya Calvin na may dalang tasa.

Magtitimpla siguro siya ng kape niya.Agad ko namang ibinalik sa ref ang pitchel at inilagay sa lababo ang baso tsaka muling bumaling nang tingin kay Kuya Calvin na ngayon ay naglalagay ng kape sa coffee maker.

"Good Morning Kuya Calvin!"Masayang bati ko sa kanya.Saglit niya lang akong nilingon at tinanguan lang.Agad na nangunot ang noo ko.Ano bang problema niya at hindi man lang niya ako magawang nginitian kahit saglit man lang.

Wag niyang sabihin na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sakin?Akala ko ba okay na kami?

"Uhm,Kuya Calvin may problema ba?Bakit hindi mo ako pinapansin?"Tanong ko na nagtataka.Hindi ko kase talaga maintindihan kung ano ang dahilan niya.Hindi ko namalayan na tapos na palang magawa ang kape niya at hindi man lang ako nilingon.

"Dun lang ako sa sala"Malamig na sabi niya bago nagmartsa paalis sa kusina.Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at para akong nahihirapang huminga.Pakiramdam ko pa ay maiiyak na ako dahil sa hindi niya pagpansin sakin.

Pinunasan ko na lang ang luhang tumulo sa mata ko at umalis na sa kusina.Naabutan ko pa siya na nagkakape sa may sala habang nakaupo sa sofa.Tiningnan naman niya ako pero agad ring nag iwas ng tingin.

tumalikod na lang ako.Nakakainis siya!Wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya pero kung itrato niya ako parang ang laki ng  kasalanang nagawa ko.

Bumalik na lang ako sa kwarto at naligo na lang.Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak habang nasa ilalim ako ng tubig na nagmumula sa shower.Hindi ko talaga alam kung bakit bigla bigla na lang siyang hindi mamamansin.

Agad akong nagtapis ng tuwalya bago lumabas ng banyo.Namaga pa tuloy ang mata ko dahil sa pag iyak ko.Nagbihis na lang ako ng uniform ko at nagtali ng buhok.Nakaramdam na naman ako ng lungkot.

Napahaplos na lang ako sa tiyan ko.Akala ko pa naman magiging masaya ang araw na ito para sakin.Hanggang akala ko lang pala.Nang bumaba ulit ako ay nakabihis ma rin sila lalaine pati na rin si blake.

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para batiin sila pero agad rin akong natigilan ng talikuran nila akong dalawa.Itinikom ko na lang ang labi ko at hindi na nagsalita pa.

Great!Ang gandang regalo para sa araw na toh!Sumunod na lang ako sa kanila nang tahimik ng sumakay sila sa kotse.Hayss.Nakakamatay ang ganitong sobrang katahimikan.

Inihilig ko na lang ang ulo ko sa gilid ng kotse at ipinikit ang mga mata.Nakalimutan siguro nila kung anong araw ngayon.Great!Sa mismong araw pa talaga na ito nila ako hindi pinansin.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon