Alessandra's POV.
"Sigurado ka bang gusto mong pumasok ngayon?Baka naman bigla ka na namang mawalan ng malay dun sa sobrang pagod"Paranoid na tanong ni lalaine.
Umiling lang ako tsaka siya nginitian.Kanina pa niya ako kinukumbinsi na manatili na lang dito at magpahinga pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako napapayag sa gusto niya.
Inakbayan namab siya ni Kuya Calvin na pangiti ngiti.Agad namang nalukot ang mukha ni Lalaine.
"Bibilang ako kuya,Pag yang braso mo hindi mo pa rin inalid dyan sa balikat ko.Iitakib ko talaga yan!"Banta ni Lalaine kaya naman natawa na lang ang pinsan niya.Pasimpleng tinanggal ni kuya Calvin ang braso niya at ako naman ang inakbayan.Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Lalaine at matalim na tinitigan si kuya Calvin na nagpapatay malisya lang.
"Ginagalit mo ba talaga ako kuya?"Galit na tanong nito sa pinsan niya.
"Wala akong ginagawa lalaine"Inosenteng sabi ni Kuya Calvin.
"Abat,Sinusubukan mo talag ako?Konti na lang masasapak na kita"Inis na sabi ni lalaine.Napailing iling na lang ako.Kailan kaya mawawala ang bangayan ng magpinsan na toh?
"Asawa ko,inaaway ako ng amazona mong bestfriend"Lihim akong napangiti.Ang isip bata talaga ni kuya Calvin.
"Abat talaga!Hoy!Kuya Calvin tigilan mo na si sandra!Kakalbuhin talaga kita at puputulan ng kaligayahan"Inis na inis na sabi niya at lumapit na samin.
"Wala naman akong ginagawa uh,tsaka wag mo kong tatanggalan ng kaligayahan.Paano ko papaligayahin ang asawa ko--Aray!Lalaine sumusobra kana!"Reklamo ni kuya Calvin.Pingot pingot lang naman kase ngayon ni Lalaine ang kaliwang tenga ni kuya Calvin.At sa itsura niya ngayon,halatang masakit ang pagkakapingot ng kaibigan ko.
"Tigilian mo na kasi si sandra Kuya!Parang awa mo na!Nakakainis ka na eh!Para ka ring si Dwayne"Paratang naman ni Lalaine sa pinsan niya.Agad naman naglaho ang ngiti sa labi ko.Ewan ko ba,kapag naririnig ko ang pangalan ng lalaking yun nakakaramdam ako ng sakit at kirot sa puso ko.
Haysst!Bakit ko pa nga ba iniisip ang lalaking yun?Baka nga ni minsan hindi kami sumagi sa isip ng bwisit na lalaking yun.Siya na mismo ang nagsabi,ayaw niyang madissapoint ang magulang niya.At sa tingin niya kami ang magiging dahilan ng dissappointment na yun.
Ang bobo niya magbigay ng excuses.Edi unahin niya ang pangarap niya yun naman ang gusto niya.Pero hindi siya kawalan.Siya ang nawalan dahil duwag siyang harapin ang isang responsibilidad.
"Ano na naman bang ginawa ko?At wag mo kong ihahalintulad sa bugok na yun.Mas hamak naman na gwapo ako dun.--Aray!Aray!Isusumbong talaga kita sa daddy mo!Ipapakasal na talaga nun kay Blake-Aray!"
Bigla namang nagsalubong ang kilay ko.Bakit parang wala naman siyang nababanggit sakin about sa bagay na yun.
"Shut up kuya!Wag mo ngang mabanggit banggit sakin yang pangalan na yan.Nag iinit ang ulo ko"Inis na sabi ni Lalaine.Nahpapalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.
"Sino si Blake?"Takang tanong ko.Nahinto nakan sila sa pagbabangayan at napalingon sakin.Napangiwi lang si Lalaine.
"Wala yun sandra!----"
"Fiancei niya na nasa France"Namilog naman ang mata ko.Hindi ko alam na may fiancei na pala siya.Kailan pa?
"KUYA!Arggh!Bwisit ka talaga"Sabay sipa niya.
"Aray ko po"Napaluhod na lan siya ng sipain siya sa tiyan ni lalaine.Napangiwi na lang ako.Mukhang masakit ata yun,knowing na nag aral ng taek wondo si lalaine at black belter pa.Naramdaman ko naman ang kamay niya hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.