Lovelock
ALESSANDRA'S POV.
"Anak,gising na dahil umaga na"Nag mulat naman ako ng mata at bumungad sakin doon si mama na nakaupo sa gilid ng kama.
"Anong oras na po ba ma?"Tanong ko na inaantok pa.Grabeh!Inaantok pa rin ako kahit ang haba na ng tulog ko.
"Malapit ng mag ala syete,bumangon ka na dyan at baka bigla na lang dumating ang mga kaibigan mo"Tumango naman ako bago bumangon ng kama.
"*Yawn*Hayys,Inaantok pa rin ako"Kinusot kusot ko pa ang mata ko bago tuluyang tumayo.
"Ganyan talaga kapag buntis.Madalas inaantok"Sabi naman ni mama.Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.Grabeh!Kahit ilang linggo na ang nakalipas na kila lalaine ako nagstay at nawalay sa kanila.Pakiramdam ko sobrang tagal nang panahon na lumipas na hindi ko sila kasama.
Napag usapan rin na kapag saturday at Sunday lang ako mag i-stay kila lalaine para naman daw maalagaan nila akong mabuti dahil lumalaki na rin ang tiyan ko.
Kumuha na lang ako ng uniform ko sa closet at inilapag sa kama.Dumiresto na agad ako sa banyo para maligo.Pagkatapos kong malinis ang katawan ko ay lumabas na ako at kinuha ang uniform ko para magbihis.
Basa pa ang buhok ko ng matapos akong magsuot ng uniform ko kaya naman tinutuyo ko iyon gamit ng tuwalya.Nagulat pa ako ng marinig kong magsalita si mama.Hindi pa rin pala siya bumababa sa sala?
"Halika rito sandra ,anak ako na ang gagawa niyan para masuklayan na rin kita"Natigilan naman ako bago naglakad palapit kay mama.Sinenyasan niya akong maupo sa kama kaya agad rin akong naupo dun.Siya na ang nagtapos sa pagpupunas ng buhok ko bago ko naramdaman na sinisimulan na niya akong suklayan.Nakakamiss rin pala ang mga times na ginagawa toh sakin ni mama.
"Dalaga ka na talaga anak at mag kakaanak pa"Bakas sa tono ni mama ang labis na kasiyahan ngunit hindi pa rin mawawala ang konting kalungkutan.
"Hindi ko na magagawa ang ganito,Ilang buwan na lang ang bibilangin at magiging tunay na ina ka na rin anak"Patuloy lang si mama sa pagsusuklay ng buhok ko.Ang gaan sa pakiramdam na inaalagaan ka ng iyong ina.
"Mama naman eh"Bigla kong naramdaman na maiiyak na ako.Feeling ko pa tumulo na ang luha ko dahil sa mga sinasabi ni mama.Kung makapagsalita kase siya para namang iiwan ko siya.
"Pero lagi mong tatandaan anak na nandito lang kami ng papa mo aalalay sayo.Andito lang kami kapag kailangan mo ng tulong namin ng papa mo"Napangiti na lang ako at pumihit paharap para yakapin si mama.
"Mama,Sorry po kung binigo ko kayo ni papa.Ma,sobrang Thank you po at nandyan pa rin po kayo para alalayan at gabayan ako.Salamat po dahil hindi niyo ko hinayaan na patuloy na magkamali.Salamat po ma,dahil tinuruan niyo akong bumangon at matuto sa pagkakamaling nagawa ko.I love you po ma"Tumulo na ang luha ko.Naramdaman ko rin ang paghaplos ni mama sa buhok ko na mas lalong nagpatulo ng luha ko.
"Ssshhh!Tahan na,tapos na iyon"Sabi ni mama.Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya naman kumalas na ako sa yakap kay mama.Pinahid ko na lang din ang luha sa mga mata ko dahil sa pag iyak.Si mama naman ang nagbukas ng pinto at iniluwa nun si papa.
"Oh,pa bakit ka nandito?"Tanong ni mama kay papa.
"Ay,sasabihan kayo na bumaba na dahil mag aalmusal na"Sabi naman ni papa at tumingin sakin.
"Umiyak ka ba anak?"Biglang tanong niya dahil baka napansin niya ang namumula kong mata.Alanganin lang akong ngumiti at tumayo na.
"Si papa talaga oh,Tara na ho at kumain na lang po tayo"Sabi ko na lang at kumapit sa braso niya.Lagi ko naman iyong ginagawa eh.Bumaba na rin kami at agad na dumiretso sa hapag kainan.Kakaupo ko pa lang nang may marinig akong bumusina galing sa labas.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.