Chapter 32

3.7K 60 2
                                    

ALESSANDRA'S POV.

Hindi mapawi ang ngiti ko habang papunta sa condo Unit ni Dwayne.Huwag na kayong magtaka kung paano ko nalaman dahil sinabi sakin ni Diane kanina habang kausap ko siya sa phone.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad.Napailing na lang ako ng maalala ko na naman ang pangungulit sakin ng mga bata.

Nang makarating naman ako sa tapat ng pintuan ng Condo niya ay nangunot lang ang noo ko.Medyo nakasiwang kase ang pintuan ng unit niya.Bumuntong hininga na lang ako bago dahan dahang itulak iyon.

Halos mapako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.Napangiti na lang ako ng mapait at tumalikod na rin.

Nagsimula na akong maglakad ng mabilis na kalaunan ay naging takbo na rin.Mabilis lang akong nakarating sa ibaba at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ko nang may humila sakin kaya naman napaharap ako.Nanlaki lang ang mata ko nang makitang si Dwayne yun.Pabalang na binawi ko sa kanya ang kamay ko.

"Huwag mo akong hawakan.Huwag mo akong lapitan!"Malamig na sabi ko at malakas na sinara ang pinto.Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago nagmaneho ng mabilis.

Napangiti na lang ako ng ubod ng pait at pinahid ang luhang kumawala mula sa mata ko.Kaya ayokong nagbibigay ng chances.Palagi na lang akong pinapaasa.Nakakapagod na ring magmukhang tanga.

Hanggang sa makarating ako sa may tapat ng kumpanya ay hindi pa rin tumitigil sa pagbuhos ang luha ko.Inis na pinunasan ko lang iyon ng panyo ko.Bumuntong hininga muna ako tsaka lumabas ng sasakyan ko.

Nagsimula na rin akong maglakad papasok ng building.Bahala siya sa buhay niya.Hindi ko siya papansinin.Naiinis ako sa kanya,Bahal siyang magdusa.

Pagkapasok ko agad akong sinalubong nang bati ni Timi.Tiningnan ko lang siya without emotion at alam kong nagulat siya sa pinakita ko.

Dire diretso lang ako papunta sa may office work namin at agad na dumiretso sa may working table ko.

"Good morning san--Ayos ka lang ba?Bakit namumugto yang mata mo?"Biglang tanong sakin nang isa kong kaoffice mate.Umiling lang ako at hindi na nag abala pang sagutin ang tanong niya.

Naupo na lang ako tsaka binuksan ang computer.Magsisimula na akong magtype ng bigla namang bumukas ang pinto.Hindi na ako nag abala pang tumingin ron.Wala ako sa mood para pagbigyan ng pansin ang mga bagay bagay.

"Ma'am Trina"Biglang sabi ng mga tao sa loob ng office.Bahagya naman akong nag angat ng tingin at napataas na lang ang kilay.Psh!Ano namang ginagawa ng isang ito at nagpunta pa talaga dito?Tss.

Bigla namang may humarang na itim na anino kaya bigla na lang dumilim.Nag angat naman ako ng tingin at nangunot lang ang noo ko.Namumula kase ang mata niya at halatang namumugto iyon.Parang katatapid lang niyang umiyak.Pero bakit naman siya iiyak?Hindi ba nga naabutan ko pa silang naghahalikan ni Dwayne.

"Ikaw!Ikaw ang may kasalanan ng lahat"Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.Ano na naman bang ginawa ko?Abah!Nananahimik na ako,ako pa rin ang may kasalanan?

"Sorry,Wala akong alam sa sinasabi mo"Walang ganang sabi ko.Huwag lang talaga niya akong subukan dahil kapag ako hindi nakapag timpi.Manghihiram siya ng mukha sa aso pag nagkataon.

"Wow,mag sisinungaling ka pa.Ikaw naman talaga ang may kasalanan ng lahat.Ikaw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sakin si Dwayne.Kase malandi ka!Mang aagaw-ouch!"

Kusa na lang lumanding ang palad ko sa pisngi niya.Nagsisimula na ring bumuhos ang mga luha ko.Bakit ba sila ganyan?Gusto kong manahimik,maghanap ng katahimikan at makapag isip pero bakit paulit ulit nila akong ginugulo?

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon