Chapter 8

4K 71 0
                                    

                            🌹🌹🌹

ALESSANDRA'S POV.

Namumugto ang mata ko ng umuwi ako ng bahay.Pagkatapos ko kasing kausapin si dwayne ay bigla na lang akong bumulanghit ng iyak.

Ni hindi ako mapatahan ni kuya Calvin at lalaine.Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na umiiyak ng umiiyak.

Ang sakit sakit kasi eh.Ang bigat sa pakiramdam.Pinunasan ko na lang ang luhang tumulo mula sa mata ko.Hindi ako pwedeng makita nila mama na ganito ang kalagayan ko.Paniguradong magtataka sila.

Huminga muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto.Bigla akong kinabahan ng makita ko sila mama na seryoso na nakatingin sakin.Bakit parang pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?

"Saan ka nang galing Sandra?"Tanong naman ni mama.Sinusuri niya rin ako kaya naman parang nangatog ang tuhod ko sa kaba.

"Sa school po"Sagot ko.

"Sa school?Eh alas otso na ng gabi!San ka talaga nanggaling huh?Wag kang magsinungaling"Halos mapatalon na ako sa lakas ng boses ni mama.May mali talaga eh.Hindi naman palasigaw si mama maliban na lang kung galit siya pero bakit naman siya galit?

"Pagkatapos ko po sa school nagpunta po muna ako kila Lalaine"Kalmadong sabi ko.

"Magsabi ka ng totoo Sandra!Ayoko ng sinungaling!"Halos pasigaw na sabi pa ni papa.Naguguluhang tiningnan ko sila.Iyon naman talaga ang totoo.

"Ma,papa...Nagsasabi po ako ng totoo,Kila Lalain po ako nagpunta"Pakiramdam ko ay maiiyak na lang ako.

"Sinungaling!"Nangunot lang ang noo ko.Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan?Ano ba talagang pinupunto nila?Hindi ko kase maintindihan eh.

"Hindi po.Totoo po iy---"

*PAK*!

"Kailan ka pa natutong magsinungaling at lumandi huh!?"Napahawak naman ako sa pisngi ko na nasampal ni mama.Bigla na lang may tumulong luha mula sa mata ko.

"Ma?Ano po ba kaseng problema?Hindi ko po kase alam eh..Kanina pa ako naguguluhan"Naiiyak na tanong ko.Galit lang akong tiningnan ni mama.Ganun rin si papa.

"Anong hindi mo alam?Napakasinungaling mo talaga!Hindi ka namin tinuruan maging sinungaling at hindi ka pa talaga nakuntento at lumandi ka pa"Tuluyan na akong napaiyak ng sabunutan ako ni mama.

"Aray ko po mama,Tama na po...Aray!Ma,tama na please"Iyak ko habang pinipigilan siya.Ayoko namang manlaban dahil baka mas lalo lang akong masaktan.

"Bakit ka nagpabuntis huh!"Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni mama.Kung ganun,iyon ang dahilan kung bakit sila nagagalit sakin?

"Kaya po ba kayo nagagalit sakin ngayon?"Tanong ko.Natigilan naman si mama at pinakawalan na ang buhok ko.

"At talagang nagtanong ka pang bata ka!Malamang!"Umiling iling na lang ako at agad kong nilapitan si mama.

"Mama,maniwala po kayo sakin hindi ko po talaga ginusto yung nangyari,mama lasing po ak---"Napahawak na naman ako sa pisngi ko na nakatikim ng sampal mula kay mama.Ang sakit,pero mas masakit na hindi ako magawang paniwalaan ng sarili kong mga magulang.

"Kailan ka pa natutong uminom?At ngayon sa alak mo isisisi ang katangahan mo?Jusko naman Sandra!Naturingan kang matalino bobo rin pala"Ouch!Para akong sinampal dahil sa sinabi ng mama ko.Bakit kung makapagsalita siya hindi niya ako anak?Ang sakit lang na sa kanya pa nagmula ang mga salitang tumatapak sa pagkatao ko.

"Mama,please maniwala kayo sakin hind ko po toh ginusto!sorry po talaga"Iyak ko at akmang hahawak si mama ng tabigin niya ako.Sumalampak ako sa lapag.Tuluyan na akong napahikbi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon