Chapter 47

2.8K 53 0
                                    


                             🌿🌹🌿

8 years later........

ALESSANDRA'S POV.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.Sa loob ng walong taon ay masasabi ko'ng marami na ang nagbago.Lalong lalo na sa buhay namin ng mga anak ko.

Kahit papaano ay nakakaya ko na ring ngumiti ng bukal sa loob ko.Hindi katulad noon na hirap na hirap ako at kailangan ko pang pilitin ang sarili ko para lang magmukha akong okay  sa paningin ng lahat.

Napalingon naman ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko ng makita ang lalaking tumulong sakin upang bumangon at magsimula ulit.Siya ang tumulong sakin upang makalimot sa sakit.

"Good morning babe,you look so beautiful"Puno ng paghangang sabi niya habang palapit sakin.Agad naman akong napatawa ng mahina at kinurot ko ang pisngi niya.Palagi ko naman yu'ng ginagawa ss kanya.As I expected,nakasimangot na naman siya.Very cute and handsome.

"Ang cute mo talaga babe,Thank you"Malambing na sabi ko.Agad naman siyang napangiti dahil sa sinabi ko at bigla na lang akong niyakap.Wala akong naramdaman na kakaiba tulad ng pagbilis ng tibok ng puso ko.Pero alam ko na masaya ako sa kanya hindi nga lang siguro kasing saya noon.

Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya pakiramdam ko hindi na ako nag iisa.Simula ng makalimutan ako ng nag iisang taong pinakamamahal ko.Pakiramdam ko ay mag isa na lang ako kahit na nandyan lang sila at handang dumamay sa panahong kailangan ko.Pero dahil sa sobrang wasak na wasak ako ay hindi ko iyon napansin.Ang sarap lang sa feeling na maramdaman ulit ang ganitong klaseng yakap,nakakapagpagaan ng pakiramdam.

"Tara na,paniguradong nandun na rin sila mommy at naghihintay.Anyway,ready ka na?"Nakangiting tanong niya.Mabilis naman akong tumango at naglakad na rin kami palabas ng kwarto ko.Magkahawak kami ng kamay na lumabas ng bahay.Agad naman akong sinalubong ng panganay kong si Drake na malaki na rin ang pinagbago.Nagmukha na siyang binata kahit na twelve years old pa lamang siya.Masyado kaseng matangkad ang ama nila.

"Hi ma,Ang ganda mo po ngayon"Sabi pa niya kaya naman pasimple kong pinisil ang tungkil ng ilong niya.

"Napaka bolero mo talagang bata ka"Pabirong sabi ko kaya naman napatawa sila Daniel.

"Hindi kayo nagkamali ma,Sa school nga namin andami niyang binobola eh"Sumbong naman ni daniel kaya napakamot na lang sa batok si drake.Napailing na lang ako,mga pasaway talaga.

"Uh ma,nagsabi po sakin si tita Lalaine.Nauna na po sila sa venue"Sabi naman niya sakin kaya nangunot lang ang noo ko.Nakauwi na pala sila?Kailan pa?

"Nakauwi na ba sila galing France?"Nagtatakang tanong ko.Sa pagkakaalam ko kase ay nagpunta sila sa France para icelebrate ang birthday ng kambal nilang anak na sila Blaire at luke kasama ang grandparents nila.

"Opo mama,Kakauwi lang po nila kahapon"Sagot naman ng bunso ko.Napailing na lang ako.Hindi pa rin pala talaga nagbabago si lalaine,mahilig pa rin sa surpresa.

"Mabuti pa ay umalis na tayo ngayon.Siguradong marami na rin ang nandun"Sabi naman ni shiro.Tumango na lang kami at pumasok na rin sa loob ng kotse.Tahimik lang kami habang bumabyahe kaya pinagmasdan ko na lang ang bawat building na nadadaanan namin.

Ilang minuto ang lumipas ay unti unti ko nang natatanaw ang bunga ng paghihirap ko.Huminto na rin si Shiro kaya naman napahugot na lang ako ng malalim na hininga.

"Ready kana?"Tanong ulit niya.Walang pag aalangan na tumango ako at sabay kaming lumabas ng kotse niya.

Pagkalabas namin ay agad akong sinalubong ng yakap ng pinakamamahal kong bestfriend.Walang iba kundi si lalaine.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon