Chapter 40

3.2K 56 0
                                    

ALESSANDRA'S POV.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas nang sasakyan.Hinagilap pa nang mata ko sila Drake na nag unahang tumakbo papasok nang airport.

Halos mapasinghap ako nang may humawak sa kamay ko.Nang lingunin ko naman iyon ay si Dwayne lang pala.Suot na naman niya ang malaanghel niyang ngiti.

"Nakita mo ba sila Drake?"Tanong ko.Umiling lang siya at kinuha sakin ang bitbit kong bag tsaka kinuha ang kamay ko at hinila na papasok nang airport.

"Malamang naghihintay na yun dun"Sabi pa niya.Nagpatianod na lang ako at napangiti na lang ako nang matanaw ko na sila sa may waiting area.Nagulat pa ako nang bigla akong halikan ni Dwayne sa gilid ng labi ko.

"Puntahan mo muna sila Love,May aasikasuhin lang ako"sabi pa niya sabay kindat.Napailing na lang ako at napahawak sa gilid nang labi ko.Ang hilig niya talaga akong halikan sa labi,nakakainis.

Lumakad na lang ako palapit kila drake na ngayon ay hindi na mapakali sa kinauupuan habang nakatanaw sa may air field.

"Ang ganda ng eroplano mama...Excited na po ako sumakay dyan"Sabi ni daniel habang kumukuti-kutitap ang kanyang mata.Napailing na lang ako,halatang excited na excited silang sumakay nang eroplano.

"Talaga?behave lang kayo,mamaya makakasakay na rin tayo dyan"Agad namang napangiti ang panganay ko at ang bunso ko.

"Maganda po ba sa palawan mama?"Curious na tanong nang anak kong si Dealan.Ginulo ko naman ang buhok niya at nginitian.Mga bata talaga ngayon,masyadong chismoso.

"Opo,kasama kase yun sa seven wonders of the world,tapos pupunta tayo nang EL nido,small lagoon at marami pa"Mas lalo namang lumawak ang ngiti nila.

"Wow!Gusto ko na po makarating dun."Tili pa ni daniel kaya napatingin sa kanya ang ibang tao sa paligid.

"Hello babies"Agad naman na lumapit sila drake,daniel at dealan kay Love.Isa isa itong humalik sa pisngi niya.Parang gusto kong matawa,parang saglit lang namang nawala miss agad?Sa bagay...Matagal rin kase ang panahon bago kami nagkasama sama ulit nang ganito.

"Love?Tulala ka dyan?Nagagwapuhan ka ba sakin?"Untag naman niya kaya pabiro ko siyang inirapan.Hanggang ngayon pala hambog pa rin siya.Tsk.

"Heh!May iniisip ako.Hindi ako nakatingin sayo"Ngumisi lang siya at agad na tumabi sakin at inakbayan ako.

"Ang sungit naman nang love ko,Naglilihi ka na naman ba?"Nakangising sabi niya.Agad naman na nanlaki ang mata ko at mabilis siyang nahampas sa braso.

"May sapak ka ba?Paano ako maglilihi ,eh hindi naman ako buntis!Utak naman dwayne"Medyo inis na sabi ko.Para kaseng baliw.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya at inilapit ang bibig niya sa may tenga ko.Nangunot lang ang noo ko.

"Later,We will make a baby"Natigilan naman ako sa narinig kong binulong niya at agad na bumilis ang tibok nang puso ko.Agad ko siyang nakurot sa tagiliran niya.Pakiramdam ko pa tuloy ay pinagpyestahan na nang libo libong blush on ang mukha ko.Bwisit kase na lalaking toh!Kung anu ano ang pinagsasabi.

"Magtigil ka nga Dwayne!Puro ka kalokohan"sabi ko habang nakatungo.Narinig ko namang napatawa siya kaya mas lalo akong tumungo at itinago ang mukha ko gamit ang buhok ko.

"You're so cute love,you're blushing"Sabi pa niya habang tumatawa.Wala namang tigil sa pagkabog yung puso ko.Peste na lalaking toh!

"Heh!"Wala na akong ibang masabi dahil sa pulang pula na talaga ang mukha ko.Itinakip ko na rin ang dalawa kong palad sa mukha ko.

"Love,Look at me"Hindi ko naman siya sinunod at nanatili lang ako sa ganung posisyon.Halos malagutan ako nang hininga nang bigla niyang tanggalin ang palad ko at mabilis akong hinalikan sa labi.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon