Special Chapter

5.4K 69 3
                                    

Special Chapter❤BLANE❤(Blake&Lalaine)

--------

LALAINE'S POV.

Nagising ako dahil sa mabangong aroma na nanuot sa ilong ko.Nagmulat na lamang ako ng mata dahil hindi na rin naman ako makabalik sa pagtulog.Psh!

Bumangon na lang ako sa kama at nag inat inat pa bago tuluyang tumayo at nagpunta sa banyo para maghilamos.

Hindi na ako nag abala pang itali ng maayos ang buhok ko.ginawa ko na lang iyong Messy bun,nakakatamad naman kase magtali.

Napahikab pa ako bago lumabas ng kwarto ko.Nasan kaya ngayon si Sandra?Yung babaeng yun talaga akala naman niya nakalimutan namin ang special day niya,Sabunutan ko siya eh.Nakatatak na kaya sa memorya ko ang birthday niya.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.Wala sa sariling napangiti na lang ako dahil sa naalala ko.Nakakatawa kase ang naging hilatsa ng mukha ni Dwayne habang ginigisa siya ng tatay ni Sandra.Priceless,pfft!

Napailing iling na lang ako.Nang makababa na ako ay mas lalo kong naamoy ang mabangong aroma na iyon.Sa palagay ko ay pagkain iyon na niluluto dahil nanggagaling ang amoy sa may kusina ng mansion.

Agad naman akong dumiretso doon at natigilan ako nang makita doon si Blake na may hawak na sandok habang nakatayo sa harap ng kaserola na may suot na color pink na apron.

Lihim akong napangiti,Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para hindi na matawa sa itsura niya.Nagmukha kase siyang bakla.Pfft!pink pa talaga ang sinuot niya.

Halos kumawala ang puso ko nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko sabay ngumiti.Napahawak naman ako sa puso ko.Nagiging abnormal na naman ang tibok nito.

"Hi,Andyan ka na pala baby ko...Namiss mo ko?"Tanong niya.Napairap na lang ako sa kanya kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Arghh!Kainis.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay upang itago ang pagkailang ko.Shit!Napapadalas na toh.

"Sobrang kapal talaga ng pagmumukha mo ano!?Ikaw mamimiss ko?Huwag ka nang umasa dahil kahit magunaw pa ang mundo hindi mangyayari yun"Mataray na sabi ko at tinalikuran na siya.

Kase hindi mo siya mamimiss kundi sobrang mamimiss.

Psh!Manahimik ka nga brain!Namumuro ka na sakin.Makaalis na nga lanh dito.Nakakasira lang ng araw kapag nanatili pa ako rito.

"Hey,wag ka munang umalis,Tikman mo muna itong afritada na niluto ko"Tawag niya pa kaya naman napahinto ako sa paghakbang paalis.Kahit gusto ko mang lumingon at lumapit para tikman ang niluto niya ay hindi ko ginawa.

"Hindi ako interesado,Tsaka baka nilagyan mo pa yan ng gayuma,Ayokong mainlove sayo"

Dahil matagal na akong nahulog sayo at matagal mo nang pagmamay ari ang puso ko.

Napapikit na lang ako at napakagat labi.Gross!Paboriro ko ang afritada!Arghh!Nakakainis naman oh.Huminga muna ako ng malalim bago nagsimukang humakbang palayo.

Nagulat pa ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako paharap.

"Ano bang----Arck!"Muntik na akong mabilaukan nang bigla niya lang akong subuan ng kutsara na may lamang afritada.Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin pero ngumisi lang siya na parang walang nangyari.Grr.Sarap niya sakalin.

Nginuya ko na lang iyon ng mabilis tsaka nilunok.

"Papatayin mo ba ako?"Singhal ko sa kanya.Ngumiti lang naman siya at hindi pinansin ang sigaw ko sa kanya.

"Nah-ah,Masarap ba?Alam kong paborito mo yan,sinabi sakin ng mommy mo,hindi mo na kailangan magpanggap"Napairap na lang ako.Edi siya na may alam sa paborito ko psh!

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon