Chapter 5

7.7K 122 0
                                    


CHAPTER 5

“I don't want to let you go,”

ALESSANDRA'S  POV

Agad akong napabalikwas sa kama ng maramdaman ko na parang kinakalukay na naman ang sikmura ko. I covered my mouth, jump out of the bed, saka kumaripas ng takbo papunta sa banyo.

I stand in front of the toilet bowl saka nagsuka habang nakapikit ang mata. Nang tumigil ang pagbaliktad ng sikmura ko ay bahagya kong hinilot ang sintido ko.

I bite my lower lip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa morning sickness na ‘to. Palagi na lang sa tuwing susumpungin ko ay pakiramdam ko mamamatay na ako. I always felt weak everytime I vomit.

Nang humupa ang sakit ng ulo ko ay dumiretso na ako sa lababo saka nagmumog. I stare in front of the mirror. Nakita ko tuloy ang sarili ko na walang ayos at magulo ang buhok. Saglit pa akong tumitig sa salamin bago naghilamos at lumabas ng banyo.

Huminga pa ako ng malalim bago nagdesisyon bumaba papunta sa kusina dahil bigla akong nagutom. When I reach the kitchen, bahagya akong natigila nang maabutan ko roon sila mama at papa na nag-aalmusal na.

Kaagad naman akong napansin ni mama. She smiled at me. “Sandra, nandiyan ka na pala. Halika rito at sumabay ka na,” nakangiting alok niya.

Ngumiti naman ako saka tumango bago masayang lumapit sa kanila at naupo sa harap ng hapag-kainan.

“Mabuti naman at bumaba ka. Akala ko mamaya ka pa magigising eh,” seryosong sabi ni papa.

Napangiti naman ako ng alanganin.

“Sorry po, pa. I overslept,” awkward na sabi ko.

Hindi naman siya umimik at sumimsim sa kaniyang kape. Inilapag niya muna iyon sa mesa bago ako muling tinapunan ng tingin.

“But, are you sure you’re okay? I heard you vomiting,” diretso ang tingin na tanong ni papa.

Hindi naman ako kaagad nakasagot. I bite my lower lip as I try to find the right words to say.

Ngumiti ako. “Ah... may nakain po kasi akong hindi maganda kaya po nagsuka ako,” pilit ang ngiti na pagsisinungaling ko. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni papa dahil kinakabahan ako.

“Is that true? Pero bakit dalawang linggo ka ng nagsusuka?” aniya, mahihimigan ang pagdududa sa tono niya. “Kung alam ko lang na may boyfriend ka ngayon ay baka akalain kong nagdadalang-tao ka,” seryosong sabi niya.

Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pero idinaan ko na lang sa tawa iyon.

“Si papa naman kung makapagbiro. Hindi ho ako buntis, sadyang may nakain lang po akong masama,” nakangiting sabi ko pero nanatiling seryoso ang mukha ni papa.

“Siguraduhin mo lang talaga, Sandra. Dahil pag nalaman ko na nagsisinungaling ka, malilintikan ka talaga sa akin,” seryosong banta ni papa.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko saka nagbaba ng tingin. Hindi na lang ako umimik saka nagsimula ng kumain.

Saglit na namayani ang katahimikan sa hapag-kainan kung hindi ko lang naisipang basagin iyon.

“Papa?” wala sa sariling pagtawag ko sa kaniya.

Nangunot naman ang noo ni papa saka sinalubong ang tingin ko. “Ano ‘yon?”

Huminga naman ako ng malalim. Ilang segundo pa ang binilang ko bago ko nagawang ibuka ang labi ko.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon