Chapter 10

6.3K 96 0
                                    


ALESSANDRA’S POV

Nagmadali na akong bumalik sa room.Sakto lang din ang dating ko dahil kasunod.Ko lang si ma'am cruz.Ang teacher namin sa home room.Nang mapadaan ako sa gawi ni Lalaine ay sinamaan niya ako ng tingin.

Natawa na lang ako.Ganyan naman siya kapag di mo pinansin.Magtatagpo agad,natandaan ko maman na hindi ko siya pinansin dahil nagmamadali akong iwasan yung lalaking yun.Isang sorry lang naman kay Lalaine ayos na sa kanya.Di naman niya ako matitiis  eh.

"Mr.Lewis,You're late"Anunsyo ni ma'am cruz sa kadarating lang na si dwayne.Inalis ko naman kaagad ang tingin sa kanya ay naupo na rin sa upuan ko.

"I know ma'am"Walang gana at galang niyang sabi at naupo na rin sa upuan niya.Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang kay ma'am.Nagbigay naman siya ng activity at iniwan na kami.Lagi namab ganun ang nangyayari.Pinakaboring na sigurong subject ang homeroom namin.Puro activity at kung anu anong about sa personal thingy.Haysst

"Ang boring talaga!"React pa ng mga kaklase ko.

"Wala namang kwenta ang activity natin psh"Hindi ko na lang pinansin ang mga reklamo nila.Kung itikom na lang kaya nila ang bibig nila at tapusin ang pinapagawa ni ma'am cruz edi mas mabuti.Maliban na lang kung kaya nilang magsulat gamit ang bibig.

"Oh,Mukhang todo aral si Ms.Slut/Ms.Preggy"Dinig ko na naman.

"Duh!Baka nga di na yan grumaduate,Imagine?First year pa lang tayo tapos magkakababy na siya?How ironic"Ano bang problema nila sa teenage pregnancy?Ano bang problema nila sa baby?Blessing naman iyon ni God.

"Oh yes,Sobrang nakakahiya.San kaya siya nakakabili ng lakas ng loob at ang kapal ng mukha niyang pumasok pa sa paaralan na toh!Duh!Disgusting"

"Nakakawa siya"

Napapikit na lang ako.Hindi ako pumapatol sa mga taong walang magawa sa buhay.Lalong lalo na sa mga taong makikitid ang pang unawa.Nagpatuloy lang ako sa pagtatapos ng activity namin ng maramdaman akong tumama sa ulo ko.

Nagbaba naman ako ng tingin kung ano iyon.Isang nilamukos na papel.Napailing iling na lang at tiningnan ko lang yung apat kong kaklase na nagtatawanan.Bakit ba may mga tao na nagiging masaya na gumawa ng mali?

Pinulot ko na lang yung papel.Tumayo na lang ako at itinapon iyon sa basurahan.Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

"Matuto naman kayong magtapon ng kalat niyo sa tamang lalagyan.Hindi yung ikakalat niyo lang kung saan saan"Kalmado kong sabi sa kanila.Babalik  na sana ako sa upuan ko ng maramdaman ko ang sunud sunod na nilamukos na papel na binabato sakin.Sinasalag ko lang iyon.

"Woahhh!Wala!Umalis ka na lang dito"

"Oo nga!Dun ka na lang sa inyo!Alagaan mo na lang yung baby mo!"

Patuloy pa rin sila sa pagbato at patuloy lang din ako sa pagsalag ng lahat ng ibinabato nila sakin.

"Malandi!Malandi!Di ka nababagay dito"Patuloy lang ako sa pagsalag.Hindi nakan ako nasasaktan sa mga bagay na tumatama sakin.Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.How can they judgr me so easily?Hindi namab nila alam ang totoong kwento.Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon,napakadali na lang para sa kanila na manghusga ng isang tao.

"Umalis kana!Di ka nababagay rito!Layas"Hindi ko inasahan ang sunud na tumama sakin.Napaatras naman ako ng tumama iyon sa noo ko.Nakaramdam naman ako ng pagkahilo.

"Sumosobra na kayo uh!Inaano ba kayo ni Sandra!?"Rinig kong sigaw ni Lalaine.Ngayon lang siya nagreact ng makita niyang nasaktan na ako.Napahawak naman ako sa noo ko.Shit!May naramdaman akong malapot roon at ng tingnan ko iyon,Dugo.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon