Chapter 34

2.4K 54 0
                                    

LALAINE'S POV.

Napamulat ako ng mata nang may maamoy akong hindi katanggap tangap sa pang amoy ko.Naputol tuloy ang mahimbing kong pagtulog dahil dun.Nang lingunin ko naman ang comforter sa ibaba ay napakagat labi na lang ako nang maalala ko ang ginawa ko kagabi.

Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa kanya.Ayoko siyang makatabi kagabi kaya naglatag na lang siya sa baba.Ang hirap naman pala nang ganito.Now I know na mahirap pala ang pinagdaanan ni Sandra.Pabago bago ng mood haysst!Ginulo ko na lang ang buhok  at nag suot nang slippers bago lumabas ng kwarto namin.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa paghakbang pababa nang hagdanan.Niyakap ko na lang ang sarili ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sakin.Tinatangay rin nang hangin ang mga hibla ng buhok kasabay sa sayaw ng mga dahon sa puno.

Napangiwi na lang ako ng mas lalo ko pang maamoy ang gumising sa natutulog kong diwa.Dahan dahan lang ang naging lakad ko patungong kusina.Napahinto naman ako sa tapat ng bukana ng kusona nang makita ko dun si Blake na walang suot pang itaas kaya malayang nasisilayan ng mga mata ko ang matipuno niyang likuran.

Huminga muna ako dahil pakiramdam ko ay kinakapos ako sa hangin.Kung bakit kase pinag pala ang isang ito eh,Mahinang bulong ko sa sarili ko.Marahan lang akong humakbang palapit sa kanya.Huminto lang ako sa likod niya,tumikhin na lang ako para kunin ang atensyon niya.

"Eherm"

Agad naman siyang napalingon sakin at halatang nagulat siya ng makita ako.Hindi niya siguro ako inaasahan na pupunta rito.Bigla naman siyang ngumiti nang nakakatunae kaya naman halos magwala na ang puso ko.

"Hey,Gising ka na pala wife...Uhm,malapit na rin itong matapos"Sabi naman niya.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.Wala sa sariling kinuha ko ang bimpo na nakalagay sa balikat niya at sinimulan punasan ang tumatagaktak niyang pawis sa mukha at leeg.

Napansin ko pa na para siyang natuod at napatitig sa mata ko.Para naman akong tinutunaw sa paraan nang pagtitig niya sakin.Napalunok na lang ako at nagpatuloy sa pag pupunas ng pawis niya.Parang may sariling utak ang kamay ko para gawin yun.

"Ano bang niluluto mo?"Tanong ko naman.Napapilig naman siya ng ulo at bumalik sa ginagawa niya.Napatigil kase siya ng ilang saglit.

"Dinuguan,Diba sabi mo sakin noon,Gusto mong kumain nito kase nagsasawa kana na palagi na lang sosyal na pagkain ang kinakain mo?So ayun,naisipan kong magluto ngayon"Sabi naman niya.

Naalala ko naman iyon.Last time kase na nagpunta kami kila Sandra ay nagluto si tita ng dinuguan at wala talagang makakatalo sa sobrang sarap niyang magluto maliban sa asawa kong si blake.Chef rin pala siya kaya hindi pa ako nakakatry maiwan sa kusina.Simula nun nagcrave na ako sa dinuguan.Hindi ko alam kung bakit ngayon parang ayoko na.

"Naalala mo pa pala yun"Tanging lumabas na salita mula sa bibig ko.Ewan ko ba,wala na akong ibang masabi.

"Syempre naman,I would never forget every single details about you"Hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa sinabi niya.It's sweet when someone knows every single details about you.Not because you constantly remind them,but because they pay attention.Huminto na rin ako ng tapos ko na siyang punasan.

"Thank you wife"Nginitian ko naman siya.Kumuha naman siya ng kutsarita at naglagay ro'n nang niluto niyang dinuguan.

"Tikman mo muna to'ng niluto ko wife,Paniguradong magugustuhan mo ito"Nakangiting sabi niya.Nang tingnan ko naman iyon ay parang bumabaliktad ang sikmura ko.Pinilit kong ngumiti dahil ayoko namab siyang madisappoint.Niluto niya yun para sakin at masasaktan suya kapag hindi ko yun kinain.Kaso lang parang hindi ko yata kaya.Haysst.Bahala na nga.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon