LALAINE'S POV.Napabuntong hininga na lang ako bago nagsimula muling humakbang.Nawala na rin kase ang hilo ko.Haysst,Kapag talaga nagtuloy tuloy ang ganito ay magpapacheck up na ako sa doctor.
Lumabas na lang din ako nang bahay at sumakay sa kotse ko.Wala ngayon ang asawa ko na si Blake dahil may inaasikaso siya sa kumpanya ng dad niya.
Napahilot na lang ako sentido ko habang nagmamaneho ako,hindi parin mawala wala ang hilo ko.Mabuti na lang at hindi pa umiikot ang paningin ko at maayos pa akong nakakapagmaneho.
Nagpatuloy pa ako at napapreno nang mas lumala ang hilo ko.Shit!Ipinark ko na lang iyon sa may tapat ng isang Convinient store at lumabas muna ng sasakyan ngunit mas lalo lang lumala ang pagkahilo ko at nagsimula nang umikot ang paningin ko.Arghh!Nahihilo na talaga ako.
Napakapit na lang tuloy ako sa may hamba ng kotse ko at hinilot hilot ang sentido ko.Nakahinga ako ng maluwag ng mabawasan iyon.
"Miss?Ayos ka lang ba?"Napalingon naman ako sa humawak sa balikat ko.Bumungad sakin ang isang matangkad na babae na nakasuot na puting roba at masasabi ko ring maganda siya.Nakangiti pa siya habang hinihintay ang magiging sagot ko.
"Ayos lang naman ako,medyo nahihilo lang dahil sa init"Pagdadahilan ko.Nangunot naman ang noo niya,Bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko at bigla na lang akong napaluhod sa sahig.Agad naman akong nakaramdam na may umalalay sakin.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?Namumutla ka na miss,I'm a doctor,Titingnan kita dahil baka kung ano na yan"Bigla na lang nanlabo ang paningin ko at napapikit na lang ako habang nakaalalay pa sakin ang isang babae na hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan.
--
SABRINA'S POV.Mabilis kong kinuha ang phone ko para tawagan sila Seth at Duke para magpasundo.Dapat pala sinama ko na ang dalawang iyon para naman hindi nagkaganito.
Inalalayan ko na lang ang babaeng nawalan nang malay at ngayon ay namumutla na.Hindi normal iyon maliban na lang kung buntis siya.
"Hello beautiful?Napatawag ka?"Si Duke ang unang sumagot napairap na lang ako.
"Nasan ka?Pwede mo ba akong sunduin dito?"Sabi ko naman.Saglit na nawalan ng imik sa kabilang linya bago ko muling narinig siyang magsalita.
"Woah,It is the first time na tinawagan mo ako para sunduin ka"Kahit na hindi ko siya nakikita ngayon,alam ko naman na nakangising aso na toh.Psh!Masyadong hambog rin ang isang ito.Nagtataka tuloy ako kung paano naging kapatid ito ni jin eh.Haysst!
"Pwede ba,Hindi kita tinawagan for some nonsense reason okay?Puntahan mo na lang ako.Itetext ko na lang ang exact location ko and please pakibilisan,May kasama akong pasyente dito"Pagkatapos ay agad ko rin iyong ibinaba.Wala akong planong makausap ang lalaking yun.May down syndrome pa naman iyon.
Pinaypayan ko na lang ang babaeng nakasandal ngayon sa balikat ko.Ilang minuto rin ang hinintay ko bago dumating ang kotse ni duke at lumabas din mula roon si Seth.Itinayo ko na lang agad ang walang malay na babae.
"Hey,Tulungan niyo ko dito"Sabi ko pa kaya naman agad silang tumalima sa sinabi ko.Nang maisakay na namin siya sa kotse ni duke ay agad namang nagmaneho si Duke papunta sa hospital na pagmamay ari ko.
"Sino siya?"Magkasalubong ang kilay na tanong ni seth habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng hindi ko man lang naitanong ang pangalan.Napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi ko alam,Mamaya mo na alamin kailangan ko pa siyang obserbahan"Hindi na rin ulit nagsalita pa si Seth at mabilis lang din kaming nakarating sa hospital.Agad naman na may sumalubong na mga nurse na may dalang stretcher.Mabilis naman namin siyang dinala sa clinic ko at may ilan ring nurse na tinulungan ako.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.