Chapter 15

5.4K 77 3
                                    

                         

ALESSANDRA’S POV

Nandito lang ako sa sofa at nakaupo.Hinihintay ko na nga lang sila lalaine na matapos sa mga ginagawa nila eh.

Nagpakalumbaba na lang ako.Ang tagal naman nila.Kanina pa ako naghihintay dito.Naiinip na ako.

Nakita ko naman dun si barney sa gilid ng sofa kaya agad na nagningning ang mata ko.

"Hmmm,Ang cute mo naman"Pinang gigilan ko na lang si barney.Nakikita ko kase sa kanya si Dwayne eh.Ang cute ang sarap kurutin yung pisngi.

Nakarinig naman ako ng yabag mula sa taas kaya natigilan ako sa ginagawa kong pamumurder kay barney.Nakita ko dun si Lalaine kasunod niya lang din Si Kuya Calvin.

"Hello"Bati ko sa kanila habang malapad akong nakangiti.Kinunutan lang ako ng noo ni Lalaine.May nasabi ba akong mali?Nakita ko namang ngumiti sakin si Kuya Calvin.

"Tara na...susunod na lang daw si Diane sa hospital"Tumango na lang ako at niyakap si barney.Hihi.

"Dadalhin mo yang dinosour na yan?"Takang tanong ni lalaine.Ngumiti lang ako at tumango.Nakita ko namang napairap siya.

"Haysst!Ang weird mo talaga sandra.Ayaw na ayaw mo kaya kay barney"sabi niya.Tinaasan ko naman siya ng kilay.Cute kaya si barney kaya bakit hindi ko magugustuhan?

"Hindi uh,gusto ko si barney"Napaface palm lang siya at napabuntong hininga.

"Bahala ka nga,sumasakit ang ulo ko sayo"Pagkasabi nun ni lalaine ay nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse at  inihilig na lang niya ang ulo niya side mirror.

Sumunod na rin ako sa kanya at
Isinandal ko naman ang likod ko sa upuan habang nagsisimula nang magmaneho si Kuya Calvin.

Ngayong araw kase ay papunta kami sa San Agustin Hospital.Kailangan ko na kasing magpacheck up para healthy si baby.Mahigit isang buwan at dalawang linggo na rin akong buntis kaya kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor.

Mabilis lang din naman ang naging byahe at nakarating na rin kami sa hospital.Medyo humikab pa ako dahil inaantok na naman ako.Haysst!Nagiging maantukin na ako lately.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Kuya Calvin na inalalayan ako.

"Inaantok ka na naman?"Takang tanong niya.Alanganin lang akong napangiti.

"Kuya wala ako sa mood kaya please tanggalin mo yang braso mo kay sandra"Walang kaemo emosyon na sabi ni Lalaine.Bakit ang tamlay nito ngayon?May sakit ba siya.

"Woahh,inaalalayan ko lang si sandra!Chill ka lang"Sabi naman ni kuya Calvin.

"Ayos ka lang ba Lalaine?May sakit ka ba?Ang tamlay mo ngayon"Sabi ko.Nakita ko naman napabuntong hininga siya.

"Hayy,wala akong sakit..May iniisip lang ako.Tara na sa loob"Nauna na siyang maglakad.Nangunot lang ang noo ko.May mali talaga sa kaibigan ko eh.Hayss.

"Wag mo munang intindihin ang isang yun"Tumango na lang ako.Hindi ko alam pero naaapektuhan rin ako sa emosyon ni lalaine.Yakap yakap ko pa rin si Barney ng pumasok kami ng hospital.Agad naman nagtanong si kuya Calvin sa nurse kung nasaan ang clinic ni Dra.Cams Leoverde.

Maya maya ay nakangiti na siyang bumaling sa akin.Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya naman lumapit na ako.

Nang makalapit ako ay inakbayan na naman niya ako.Hindi na ako nagreklamo sanay na ako.Naglakad na   kami papunta sa clinic ni doktora.Nang huminto naman siya sa isang pinto ay binuksan niya yun at pinapasok na rin ako sa loob.

Naabutan naman namin si Lalaine na magkasalubong ang kilay at mukhang papatay ng tao.May problema talaga toh.

"Good morning Hijo at hija"Sabi ng doctor.Medyo nasa mid 20ths lang siya.ang ganda niya pa.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon