CHAPTER 6“Can I be your only exception?”
ALESSANDRA'S POINT OF VIEW“Sandra, anak. Gumising ka na,” rinig kong sabi ni mama saka marahan niyugyog ang balikat ko. Naalimpungatan ako at dahan-dahan binuksan ang mata ko.
Bahagya akong nagkusot ng mata saka nilingon ang orasan sa gilid ko. When I saw that it was still 5:45 in the morning ay napasimangot ako.
“Ma, bakit niyo naman po ako ginising ng ganito kaaga? Mamayang 7:00 AM pa po ang pasok ko,” nakabusangot na sabi ko saka mahinang napahikab dahil inaantok pa ako.
Balak ko sanang mahiga ulit para ipagpatuloy ang pagtulog nang pigilan ako ni mama.
Napabuntong hininga ako. “Ma, inaantok pa po ako. Let me sleep po, please?” magalang na sabi ko habang nakapikit.
“Hindi puwede anak. May tao sa labas. Kanina ka pa hinihintay,” aniya.
Nangunot naman ang noo ko. “Po? Pero wala naman po akong pinapapuntang tao rito sa bahay natin,” nalilitong tanong ko.
Hindi ko napigilan ang mapaisip. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras dito? Wala naman akong maalala na inimbitahan kong kaklase para bumisita sa bahay. Hindi rin naman puwede si Lalaine dahil hindi iyon marunong maghintay. Panigurado na kapag siya ang nagpunta rito, baka siya pa mismo ang mambulabog sa mahimbing kong pagtulog.
Tinaasan naman ako ng kilay ni mama. “Hay naku, ikaw talagang bata ka! Kaklase mo iyon. Kaya bumangon ka na riyan at maligo para harapin iyong bisita mo bago pa mainip iyon sa paghihintay sa’yo,” utos ni mama saka tinapik ang balikat ko kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon.
Kahit tinatamad ay nagtungo ako sa banyo para maligo.
Nakakainis! Sino ba kasi iyon? Istorbo masyado!
Binilisan ko na lang pagligo ko pagkatapos ay isinuot ko na agad ang uniform ko dahil halos pasado ala-syete na rin ng matapos akong maligo. Hinayaan ko na lang din na nakalugay ang mahaba kong buhok saka inipit ng clip ang gilid nito para hindi iyon magulo.
Nang masiguro ko na presentable na ang itsura ko sa salamin ay nagdesisyon na akong bumaba. Kaagad akong dumiretso sa sala bitbit ang bag ko. Nang medyo malapit na ako sa sala ay rinig na rinig ko ang boses ni papa na seryosong nakikipag-usap sa kausap niya.
“Sigudado ka ba hijo na kaklase ka lang ng anak ko?” Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan akong makalapit sa sala.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. For a moment, bigla kong naisip na baka si Dwayne ang kausap ni papa.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko nang dahil sa biglang sumagi sa isip ko. Idinaan ko na lang iyon sa tawa. Napaka-imposible naman kasi ng iniisip ko.
Ngunit bigla na lang ako nanigas sa kinatatayuan ko sa sunod kong narinig.
“Yes po, kaklase po talaga ako ng anak ninyo, pero, may balak po akong manligaw sa kaniya,” seryosong sabi ng kausap ni papa dahilan para manlamig ako.
Did I just hear his voice?!
Nagmadali akong naglakad papunta sa sala at halos malaglag ang panga ko ng makita na si Dwayne nga ang kausap ni papa.
Napaatras ako, eyes widened in surprise habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang kaharap si papa.
What the hell? Anong ginagawa niya rito?
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.