Chapter 21

3.8K 70 0
                                    

ALESSANDRA'S POV.

Pinasadahan ko lang nang tingin ang school namin.Napangiti na lang ako,Sa wakas at natapos na rin ang isang taon ko at magsesecond year na ako.

Agad ko namang narinig ang boses ni lalaine na tinawag ako.

"Sandra,Tara na..Uuwi na tayo"Napailing iling na lang ako at maingat na nagpunta sa pwesto niya.6 Months na rin ang nakalipas at malapit na rin akong manganak this May.

"Bakit ka ba sumisigaw lalaine?"Takang tanong ko.Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti at inalalayang makasakay ng sasakyan.Kami lang ngayon ang magkasamang kumuha ng Card namin.Yung dalawang boys kase may ginawa pa kaya kami lang dalawa.

"Anong pakiramdam mo ngayon sandra?"Tanong naman niya.Ngumiti naman ako.

"Maayos lang naman,hindi na sumasakit ang tiyan ko katulad nung nakaraan"Natatawang sabi ko.Napairap naman si lalaine.

"Mabuti naman,gosh!Kung alam mo lang sis.Sobra kaya akong kinabahan.Akala ko nga manganganak ka na eh"Natatawang sabi niya.Napatawa na lang din ako.Madalas kase akong sinusumpong,at sa mga oras na yun.Palaging si Lalaine ang kasama ko.

Maayos naman ang naging buhay ko sa loob ng anim na buwan.Naging maayos lang din naman ang pagbubuntis ko.Hindi pa namin alam ang gender ng baby dahil hindi muna namin tinanong.Surprise na lang daw kapag nanganak ako.

Sa loob rin na anim na buwan ay unti unti na rin akong nakalimot sa sakit.Hindi pa totally nakalimot,nabawasan lang yung sakit pero naaalala ko pa rin ang pagpapakatanga ko.

Wala na rin akong balita  sa kanya.Ang sabi lang samin ni Diane ay lumipad na nga raw siya papuntang ibang bansa para doon mag aral.

Kahit na may galit ako sa kanya ay hindi iyon nakaapekto sa uri ng pagkakaibigang meron kami ng kapatid niya.Gumagaan kase ang pakiramdam ko kapag kasama namin si Diane.

Todo alaga rin siya akin dahil nag aalala siya sa kalagayan ko.Isa rin si Diane sa mga tao na dinamayan ako sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng makakaramay.

Inihinto na rin ni Lalaine ang sasakyan niya sa harap ng bahay nila.Sabado ngayon ay dito ako matutulog sa kanila.Naunang lumabas ng bahay si lalaine at inalalayan ako papasok ng bahay nila.

Agad naman akong naupo sa sofa ganun rin siya.

"Haysst!Another three years na naman,Nakakasawang mag aral sis"Nakangusong sabi niya habang nakasalampak sa may sofa.Napatawa naman ako.Panay kase ang reklamo niya na nakakatamad raw mag aral.

"Alam mo naman na kaya tayo nag aaral ay para mahasa ang kakayahan natin"Kahit hindi ko makita ang mukha nila lalaine ay alam kong umirap siya.

"Yeah,yeah.Alam ko naman yun,teka bakit wala pa rin sila Blake?"Biglang tanong niya.Agad naman akong napangisi sa kanya kaya agad ring nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit ka nakangiti ng ganyan sakin sandra?Ano na naman bang naiisip mo?"Nagkibit balikat na lang ako.

"Wala lang,Napapadalas na kase ang paghahanap mo sa boyfriend mo eh"Nakatanggap lang ako ng masamang tingin mula sa kanya.

"Hindi ko siya boyfriend!Arghh!Pati ba naman ikaw?"Inis na sabi niya.Inaasar ko lang naman si Lalaine eh.Ang bilis kaseng mapikon.

"Binibiro lang naman ki--Aray"Nasapo ko agad ang tiyan ko.Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng pagkirot nun.

"Anong nangyayari sayo?Ayos ka lang?"Alalang tanong niya.Tatango pa sana ako ng mas lalong tumindi ang pagsakit nun kaya naman napangiwi ako sa sakit.

"Aray!Masakit lalaine!"Halos mamilipit ako sa sakit.Naramdaman ko rin na may tumulong luha mula sa mata ko.Ang sakit sakit.

"Huh?Ano?Teka..Sigurado ka ba?"Natatarantang sabi niya.Agad ko namang naramdaman ang parang tubig na umagos sa hita ko.Napapikit na lang at napakapit sa gilid dahil sa sobrang sakit.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon