🌹🌹🌹
Pinakatitigan kong mabuti ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng palad ko.Pinag iisipan ko kung ano nga ba ang tamang gawin.Kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
Naguguluhan na ako to the point na hindi ko na alam kung ano nga ba ang dapat kong isipin.Napabuntong hininga na lang ako bago muling itinago iyon ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng tagpong iyon.Hindi ako pinatahimik ng mga sinabi niya.Para kaseng nagpapaalam na siya.
Pinilit ko namang ngumiti sa harap ni mama.Ayoko namang mapansin niya na malungkot ako.Dapat ay masaya ako ngayon dahil ikakasal na ako ngayon.
"Bakit mukhang malungkot ang anak ko?"Tanong niya pa.Mas pinilit kong magpanggap na masaya sa harap niya.Ayoko namang mag alala siya.
"Hindi po ako malungkot mama,may iniisip lang ako"Pagsisinungaling ko.Tinitigan naman niya ako tsaka umiling at umupo sa tabi ko.Nakaupo kase ako ngayon sa kama dahil tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha nila Lalaine.
Nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at marahan lang na hinaplos ang pisngi ko.
"Sandra,Nanay mo ako.Syempre kilala na kita simula pagkabata kaya alam kong nagsisinungaling ka.Kahit naman magpanggap ka na masaya ka.Nakikita ko pa rin sa mga mata mo na nasasaktan ka.Ano bang problema?"
Napaiwas naman ako ng tingin.Kilalang kilala nga talaga ako ni mama kaya wala akong kayang itago sa kanya.Gayunpaman ay pinilit ko pa ring panindigan na masaya ako kahit na hindi naman talaga iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Wala po akong problema mama,m-masaya lang po ako"Napakagat na lang ako ng labi ng pumiyok ako.Pinipigilan ko lang kase na huwag maiyak.Hinarap naman ni mama ang mukha ko at tinitigan ako.Napabuntong hininga pa siya at hinawakan ang kamay ko.
"Anak,Alam kong may problema ka.Sabihin mo na ng hindi ka na mahirapan pa.Tungkol ba yan kay Dwayne?"Nagulat naman ako sa tanong ni mama at tangkang itatanggi ko nang bigla siyang napangiti ng malungkot.
"Si Dwayne nga,tama ako anak diba?"Napatango na lang ako.Mas lalo naman siyang napangiti pero may lungkot sa mga mata niya.Pakiramdam ko pa nasasaktan rin siya.
"Sa mata mo palang alam ko na agad na siya ang dahilan.Bakit ka ba nagkakaganyan?Ano ba ang nangyari?"Tanong pa ni mama.
Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga.Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay mama.
"M-mama ano po kase...."
Parang bumibigat ang puso ko habang iniisip ko ang lahat ng mga sinabi niya.Sobrang hirap at ang sakit.
"Sige lang anak,makikinig ako"Nakangiting sabi niya at hinaplos ang buhok ko.
Napabuntong hininga na lang ako at napapikit na lang.
"N-nakita ko na siya ulit mama,Nakausap ko na rin siya.Alam mo po ba yung pakiramdam na miss na miss mo siya at gusto mo siyang yakapin pero parang may pumipigil sayo?Na pakiramdam mo ay ayaw mo na siyang mawala pero parang wala ka namang dahilan para higpitan ang kapit mo sa kanya.Na sa muling pagkikita niyo ay bigla ka na lang mapapatanong sa sarili mo na,Kung sana hindi nangyari yun,edi sana hindi kami umabot sa ganito."
Napatigil naman ako para humugot pa ng lakas ng loob para magpatuloy.Ang hirap kaseng magsalita kapag pinipigilan mo ang sarili mo na hindi mapaluha.
"Kahit na gustung gusto kong sabihin sa kanya na hanggang ngayon ay wala pa rin nagbago.Hindi ko magawa,imbis na maging masaya siya ay sinaktan ko pa.Sinabi ko sa kanya na may iba na akong mahal kahit na siya naman talaga ang sinisigaw ng puso ko.Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko,kung siya ba ang dapat kong piliin o mas dapat ko ba siyang limutin.Mama,hirap na hirap na ako at the same time sobra akong nasasaktan.Para akong pinapatay ng paulit ulit sa tuwing makikita ko siyang umiiyak.Mama,hindi ko na alam"
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.