Chapter 33

3K 55 0
                                    

Diane's Pov.

Prente lang akong nakaupo dito.Wala kase akong pasok ngayon kaya pahinga muna ako.Inilipat ko na lang ang pahina ng librong binabasa ko.

Bigla naman akong napaangat ng tingin ng makarinig ako ng mga yabag ng papa.Agad ko namang nakita dun si Kuya Na maaliwalas ang mukha.He seems like his happy.

Nangunot lang ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko.Bahagya ko lang na isinara ang librong hawak ko para magtanong kay kuya.

"Kuya,San ka pupunta?"Tanong ko.Nabigla naman ako sa biglaan niyang pag ngiti.Weird,okay lang kaya siya?

"Pupunta ako kila sandra"Nakangiting sabi niya.Agad naman na naglaho ang pagkakakunot ng noo ko at pagsasalubong ng kilay ko.

"Nag kaayos na kayo ni ate Sandra Kuya Dwayne?"Sabi ko pa.Halos tumalon ako sa tuwa ng tumango siya.Napangiti na rin ako,sa wakas napatawad na rin siya ni ate sandra.

"Sana naman kuya wag mo nang sasayangin yung chances na binigay niya at please lang,Don't hurt her,she didn't deserve that."

Tumango naman siya at binigyan ako ng matipid na ngiti.

"Hindi ako nangangako diane,pero gagawin ko ang lahat wag ko lang ulit siyang masaktan"Napatango na lang ako.Sana nga kuya kaya mong panindigan ang sinabi mo.

"Mauna ako Diane,Susunduin ko si my love"Pasimple lang ako napairap.

"Edi umalis kana,Wala pa ring forever"Pabiro kong sabi. tinawanan lang naman ako ni kuya.What ever.

Hindi ako bitter okay?Sadyang nadala lang ako sa binabasa kong kwento na Accidentally kidnapped to be a baby maker.Nakakainis kase yung lalaki,masyadong cold.May pagkademonyo,kung tutuusin mas demonyo pa ata siya kaysa sa demonyo.

Wala na siyang ginawa kundi saktan yung babaeng bida sa storya tapos gusto niya lang magkaroon ng anak.Grrr,Masyado na akong apektado sa kwento.Kase naman,nakakainis kase.

*DING*DONG*

"Ayy"Bigla ko na lang nabitawan ang hawak kong libro at napahawak sa may bandang dibdib ko.

"Aishh!"Napailing iling na lang ako.Muntik na akong atakihin sa puso.Psh!Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at naglakad papunta sa labas.

Nangunot lang ang noo ko ng wala naman akong makitang tao roon.Binuksan ko pa rin ang gate pero wala talaga.Inis na isinara ko iyon at halos mapatili ako ng may biglang humalik sa pisngi ko.

"Hi Moo"Natigilan naman ako habang nakataas ang dalawa kong kamay.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Parang anytime kakawala na sa katawan ko.Dahan dahan ko namang nilingon kung sino iyon at halos matunaw ako ng mapagtantong si Calvin yun.

"C-calvin?"Napakurap kurap pa ako.Para kaseng hindi siya eh.Mas lalo siyang gumwapo.Binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti at halos mapugto ko ang hininga ko ng mas lumapit pa siya at bigla akong hapitin palapit sa kanya.

"Hmmm?May inaasahan ka pa bang iba Moo?"Makahulugang sabi niya.Napakurap kurap naman ako tsaka umiling.

"Huh?H-hindi sa ganun Moo.Nagulat lang ako,h-hindi ka naman kase nagsabi na pupunta ka pala"Nauutal na sabi ko kaya naman agad na sumibol ang mapaglaro niyang ngiti at kasunod nun ang paglaya ng isang malamyos na tinig.

"I know Moo,Why are you Stuttered?"Nakangising sabi niya.Iniharang ko naman ang dalawa kong kamay sa may bandang dibdib niya.

"Masyado kang malapit Moo,Baka makita tayo nila mommy"Sabi ko pa.Yeah,Legal kami kila mom and dad pero kailangan pa rin daw namin ng distansya sa isa't isa.Mabait naman si mama,maybe she's being protecting me bacause I'm her only daughter.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon