Chapter 3

9.2K 150 4
                                    


“Falling in love with someone is easy, but staying in love with someone is another story.”

CHAPTER 3: IMAGINARY FIRST KISS


ALESSANDRA'S POV

Nagising ako na parang kinakalukay ang sikmura ko. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko at nagmadaling bumaba ng kama saka kumaripas ng takbo papuntang banyo.

Pagkapasok ko sa loob ay kaagad akong napayuko sa tapat ng bowl at saka sunod-sunod na nagsuka ngunit halos puro tubig lamang ang lumalabas sa bibig ko.

Napahawak ako sa dingding ng mas lumala ang pagsusuka ko, parang pinipilit ang tiyan ko habang parang binibiyak naman ang ulo ko sa sobrang pagkahilo.

Saglit pa akong nanatiling nakayuko bago ako tuluyang dumausdos paupo kasabay ng panghihina ng tuhod ko. I close my eyes at bahagyang hinilot ang sintido ko.

It has been three weeks since nalaman ko na nagdadalang tao ako. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Dwayne maski ng magulang ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo. Natatakot ako sa maaring mangyari kaya hanggang ngayon pinipilit kong itago ang pagbubuntis ko.

Agad akong nagmulat ng mata ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay ng pagpasok ng isang babae na medyo may katandaan.

Lumapit ito sa akin at tumingin sa akin ng puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba anak?” masuyong tanong sa akin ni mama.

Ngumiti naman ako at hindi pinahalata na nanghihina ako. “Ayos lang po ako, ma,” mahinang sagot ko saka pinilit ang sarili na tumayo ngunit agad din akong inatake ng hilo dahilan para mawalan ako ng balanse.

Kaagad naman akong hinawakan ni mama sa braso saka maingat na sinuportahan para hindi ako tuluyang matumba.

“Sigurado ka bang ayos ka lang? Tingnan mo nga ‘yan sarili mo. Halos hindi ka na makatayo ng tuwid,” aniya, mahihimigan ang labis na pag-aalala sa boses niya.

Muli ko naman siyang binigyan ng isang pekeng ngiti. “Okay nga lang po ako. Medyo namali lang po ako ng tapak kaya na-out of balance ako,” nakangiti na pagsisinungaling ko.

I know that lying is not the right thing to do, pero hindi ko pa talaga kayang aminin sa kanila ang totoo sa ngayon. At isa pa, hindi rin kami masyadong close ni mama kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang problema. Ang katotohanan na nabuntis ang anak niya sa murang edad.

Narinig ko naman napabuntong hininga si mama. Nakita ko rin ang pagguhit ng lungkot sa kaniyang mga mata.

“Sandra, anak. Nanay mo ako. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko na may problema ka,” aniya.

Umiling naman ako habang nanatiling nakangiti. “Wala po akong problema, ma. Ayos lang po talaga ako,” tanggi ko pa.

Tinitigan naman ako ni mama saka napabuntong hininga. “Kung ayaw mong magsabi, sige hindi kita pipilitin. Basta kapag handa ka ng magsabi, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para makinig sa 'yo at damayan ka,” nakangiting sabi ni mama.

Napangiti naman ako ng mapait.  “Masasabi mo pa kaya ‘yan ma, kapag nalaman mong nabuntis ako ng maaga? Maiintindihan mo kaya ako? O itatakwil mo na ako bilang anak?” bulong ko sa aking sarili.

Kinagat ko ang ibabang labi at saka palihim na pinahid ang luha na tumakas sa gilid ng mata ko. I force a smile para hindi ipahalata na malungkot ako. ”Salamat po, ma. Huwag po kayong mag-alala. Magsasabi po ako kung magkaroon man po ako ng problema,” nakangiting sabi ko.

Tumango-tango naman si mama. “Ikaw ang bahala, anak,” aniya saka marahang hinaplos ang buhok. “Sige na anak at mag-asikaso ka na,” utos niya.

Kaagad naman akong tumango kaya napangiti siya. Tumayo na rin siya at saka nagpaalam bago lumabas ng kwarto ko.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon