🌿🌹🌿Lalaine's POV.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig kay Sandra.Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan siya.
Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan niya o kung anuman ang nagawa niyang masama para parusahan siya nang ganito.
Simula pa noon,Wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiiyak.Ang masaktan dahil sa pesteng pagmamahal na yan.Bakit palagi na lang siyang umiiyak?Wala ba siyang karapatang maging masaya?
Napalingon naman ako sa may pintuan nang marinig ko na pumihit roon.Ngumiti na lang ako ng pilit kila daniel.May benda rin ang braso nila pero okay na rin ang pakiramdam nila.
Tanging ang pinaka napuruhan lamang sa aksidente ay si Dwayne.Kahit naman na galit at palaging kumukulo ang dugo ko dun.Alam ko naman na sobra niyang mahal ang kaibigan ko.At kaya siguro siya ang mas naapektuhan sa aksidente ay maaring pinrotektahan niya lamang ang mag ina niya.Ang kaso lang,Mukhang masasaktan na naman niya si Sandra sa pangatlong pagkakataon.
"Tita Lalaine,kamusta na po si mama?"Namumungay na ang mata ni daniel at halatang pagod na.Ngumiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.
"Ayos lang naman ang mama niyo.Kailangan niya lang magpahinga.Kayo?Nagpahinga na ba kayo.Hindi pa magaling yang mga sugat niyo"Sabi ko naman.
Parang biglang nanikip ang dibdib ko nang makita ko silang ngumiti.Yung ngiti na mapanlinlang.Yung kahit na nakikita mong nakaform nang smile ang labi nila.Still,kapag tumitig sa mata nila.Makikita mo yung kalungkutan at sakit.Naaawa tuloy ako sa mga anak nila.
"Ayos na po kami tita.Gusto lang po naming malaman kung si mama rin po,Miss na po kase namin siya eh.Silang dalawa ni papa.Miss na miss na namin sila"
Hindi na lang ako nagsalita.Pinagmasdan ko na lang sila.Si drake humila nang upuan at inilagay yun sa tabi nang kama.
Si daniel naman at dealan naupo sa kama.Napangiti na lang ako,maswerte pa rin si Sandra at may mga ganito siyang anak.
"Pagaling ka dyan mama,hinihintay na po namin yung princess natin.Tapos miss na po namin yung hug mo mama,I love you mama"Sabi pa nito at hinalikan ang noo ni Sandra.
Agad ko namang pinahid ang luhang pumatak mula sa mata ko.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam nang lungkot.Siguro dahil hindi ko matanggap ang mga nangyayari sa buhay niya.Feeling ko kase hindi deserve ni Sandra yung ganitong sakit.Sobra na sobra na kase masyado.
"Lalabas lang muna ako hah?"Paalam mo naman.Tumango lang din sila kaya naman agad akong tumayo.Pagkalabas ko nang kwarto ay agad akong napahinto.Mahina pa akong napamura.Shit!humihilab na naman ang tiyan ko.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglakad ulit.Ang alam ko ay next week pa ako manganganak.Pero parati namang humihilab ang tiyan ko.Nakakairita.
Natigilan naman ako nang makita ko si Trina.Teka--Anong ginagawa nang babaeng toh dito?Agad na nagsalubong ang kilay ko.Hindi ko alam kung bakit ang init nang dugo ko sa kanya.Ayoko kase sa mga malalandi.Dinaig pa niya si harriet eh.Tss.
Hindi ko na lang pinansin iyon at naglakad lakad na lang muli nang mas lalong lumala ang paghilab nang tiyan ko.Agad naman akong napakapit sa wall.
"Argghg!Shit!"Napapikit na lang ako sa sakit habang sapo ko ang tiyan ko.
"Ahrayy!Shit!Help"Nanghihinang sabi ko.Napaluha na rin ako dahil sa sobrang sakit talaga nang tiyan ko.
"What happen ma'am?"Napangiwi na lang ako at agad na napakapit sa nurse na lalaki.Wala na akong pakielam kung lalaki pa siya.Sumasakit na talaga ang tiyan ko eh.Kung bakit kase masyadong excited si baby lumabas eh.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.