Chapter 22

3.8K 77 0
                                    

3 Years Later......

ALESSANDRA'S POV.

"Anak,Mauuna na kami roon sa school mo.Sabay na lang daw kayo ni lalaine"Sigaw ni mama para marinig ko.Nasa labas na kase siya kasama ang tatlo kong anghel.

"Sige po ma"Balik na sigaw ko at inayos na rin ang sarili ko.Nakita ko namang bumaba na rin ng hagdan si Lalaine at nakaayos na rin katulad ko.

"Hey sis,Tara na"Nginitian ko naman si lalaine at naghawak kamay kami.Siya na ang nagbukas ng pinto kaya naman pumasok na lang ako.

Nakangiti ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa paaralan kung saan kami magtatapos.Halos tatlong taon rin ang nakalipas at sa wakas,gagraduate na rin kami.

Si Blake naman ay bumalik muna sa france dahil kinailangan siya do'n ng dad niya para imonitor ang ilang branch nila. kaya naman lonely ang drama ng kaibigan ko.Kahit di naman niya aminin,halatang namimiss niya rin naman ang asawa niya.

Yes,mag asawa na sila.Nung nakaraang taon lang sila ikinasal at sobrang saya ko para sa kaibigan ko.Bigla na lang akong napangiti nang maalala ko na naman ang kasal nila.

-Flashback-

Kasalukuyan lang akong nakaupo rito kasama si Kuya Calvin.Tinutulungan niya akong bantayan sila Drake,Daniel at Dealan.Ang hirap pa lang mag alaga ng tatlong bata lalo pa't makukulit.

"Masayang masaya sila noh?Parang dati lang,para silang mga aso't pusa hindi maawat eh..Tapos ngayon,Makikita na lang natin silang kasal na"Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Indenial lang naman si lalaine eh"Tinanguan naman ako nun ni kuya Calvin bilang pag sang ayon.

"Okay,Tinatawag po namin ang mga single dyan.Ihahagis na po ng Bride ang Boquet"Binigyan lang ako ng makahulugang tingin ni kuya Calvin at sinenyasan na pumunta na ro'n dahil nga ihahagis na ang bulaklak.

Pumwesto na lang ako at nakatingin lang sa likuran ni lalaine.Wala naman akong planong saluhin iyon dahil wala naman akong planong sunod na ikasal.

"In 3,2,1"

"Woah!"

Nagkatulukan na sila makuha lang yung boquet kaso halos halos manlaki ang mata ko ng may tatlong bata na pumatong sa upuan at sinalo yun.

Napahawak naman ako sa sentido.Jusmeyo,ang kukulit talaga ng mga anak ko.Nakangiti pa sila habang patakbo sakin.

"Para sayo po mama"Nakangiting sabi ni Drake.Napangiti na lang ako.Kahit kailan talaga,ang pasaway nila.Tinanggap ko na lang iyon habang umiling iling.

"Paano ba yan sis ikaw na ang sunod na ikakasal"Asar sakin ni lalaine.Nginitian ko na lang siya.

"Wala sa plano ko yun,tsaka mga anak ko ang kumuha hindi ako"Kaya naman nagtawanan sila.Napangiti na lang din ako ulit ng yumakap sakin ang mga anak ko.Masaya na ako sa ganito,kuntento na ako na kasama ko ang tatlong biyaya sa buhay ko

-----End of flashback-----

"Ngiting ngiti ka sis,share naman dyan"Tinawanan ko lang si lalaine.

"May naalala lang ako,nung wedding niyo"

"Haha!Naalala ko rin,ang kukulit ng mga anak mo"napailing na lang siya bago pinark ang sasakyan sa parking lot.

Agad naman kaming dumiretso sa cover court kung saan gaganapin ang graduation.Agad naman kaming sinalubong ng magulang ni lalaine.

"Mom,Hi dad"Nagkiss lang si lalaine sa cheek ni tita at tito.

"Hi rin po tita"Nagmano lang ako.

"Abah,Mga dalaga na talaga kayo,nasan ang tatlo mong bubwit?"Napatawa naman ako.Gustung gusto kase nila tita ang triplets ko.Ang gagwapo raw kase at ang cucute.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon