ALESSANDRA'S POV.
Mabilis akong bumangon sa kama ng marinig kong mag alarm ang cell phone.
Agad ko naman iyong kinuha at pinatay.Napahikab pa ako at mabilis na pumunta sa banyo para maghilamos.Agad ko ring napansin ang pamumugto ng mata ko.Napabuntong hininga na lang ako,kung bakit kase umiyak pa ako.
Inabot ko na lang sa stool ang tuwalya at pinunasan ang mukha ko.Lumabas na muna ako ng banyo at bumaba ng hagdan para icheck ang tatlo kong anak sa kwarto nila.
Binuksan ko na lang ang pintuan nang kwarto nila at nakita ko naman sila roon na natutulog habang magkakayakap.
Napailing na lang ako at pumasok sa loob.Nakita ko pang nagkalat ang mga laruan nila.Maingat ko naman iyong pinulot at nilagay sa lalagyan.
Marahan lang akong naupo sa kama at hinaplos ang pisngi ng bunso ko'ng anak na si Dealan.Napangiti na lang ako at hinalikan ang noo nilang tatlo.
"*Yawn*Mama?"Nagmulat na nang mata si Daniel at ka agad na bumangon at kumandong sakin.
"Good Morning baby Daniel"Nakangiting sabi ko sa anak ko.Sumubsob naman siya may dibdib ko.
"Morning din po mama"Tinatamad na sabi niya.Nagising na rin sila Drake at Dealan at katulad ng ginawa ni Daniel ay kumandong rin sakin si Dealan.Niyakap na lang ako ni Drake.
"Morning po mama"Sabay na masayang bati nilang dalawa.Hinalikan ko na lang sila sa noo at nginitian.
"Kamusta ang tulog niyo?Nakatulog ba kayo ng mahimbing?"Nakangiting tanong ko.Tumango naman sila.
"Opo mama,ang ganda po ng kinwento niyo kagabi"Sabi pa ni Daniel.
"Naaalala pa nga namin ang quote na sinabi dun eh"Nakasmile na sabi ng bunso ko.kinurot ko naman ang pisngi niya.Ang gwapo talaga ng mga anak ko.
"Talaga?Anong qoute yun?"Nakangiting tanong ko.Iyon na kase ang nakasanayan ng mga bata tuwing gabi.
Binabasahan ko sila ng bed time stories na may kapupulutan ng aral.Gusto ko kase habang bata pa sila ay natututo na sila nang tama.Nginitian naman nila akong tatlo.
"Even the mighty sometimes need the help of the weak"
"Wow!Ang gagaling talaga ng mga babies ko.Payakap nga si mama"Sabi ko at ikinulong sila sa mga bisig ko.
"I love you, po mama"
"Love you rin po"
"Mas mahal po kita mama"Napangiti na lang ako.Sobra sobrang saya na ang nararamdaman ko sa puso ko malaman ko lang na mahal na mahal ako ng mga anak ko.
"Salamat mga anak,mas mahal na mahal kayo ni mama"Nakangiting sabi ko.Kumalas na rin sila sa pagkakayakap sakin.
"Halika na kayo at ipagluluto ko na kayo ng almusal"Sabi ko pa kaya naman mabilis silang umalis ng kama.
"Yehey!Mama magluto ka po Pan cake"
"Opo mama,pan cake po tapos lagyan mo ng maraming honey"Suggestion naman nila.Napailing iling na lang ako.
"Opo pero dapat konti lang ang honey,masyado kase yung matamis.Baka magkasama sa inyo"Tumango naman sila at naupo sa upuan.Agad naman akong nag suot ng apron at binuksan ang gas stove.Mabilis kong pinainit ang mantika sa kawala at kinuha ang box ng mix powder para gawing pan cake.
Mabilis ko lang ginawa ang mga dapat gawin upang makapagluto ng almusal nila.At makalipas lang ng ilang minutong paghihintay ay natapos na rin ako sa pagluluto nun.
Agad akong kumuha ng plato at inilipat dun ang mga pan cakes.
"Here's the breakfast babies"Anunsyo ko kaya naman nagningning ang mga mata nila.Favorite kase nila ito.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.