Chapter 44

2.5K 53 0
                                    

                          
                           🌿🌹🌿

ALESSANDRA'S POV.

Napabuntong hininga na lang ako bago nagdesisyong bumangon sa kama.Hindi ko na kase kayang maghintay dito.Gusto ko nang makita si Dwayne.

Nilingon ko naman si papa na mahimbing na natutulog.Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang umalis sa kama.

Nagsuot lang ako ng slippers at nagdahan dahan sa paglalakad.Ayoko naman kaseng istorbohin si papa sa mahimbing niyang pagtulog.Alam ko naman na wala pa siyang pahinga.

Marahan ko lang na pinihit ang door knob at para akong nakaramdam nang kalayaan nang tuluyan akong  makalabas sa aking silid.

Luminga linga pa ako sa paligid bago naglakad muli papunta sa kay kaliwang direksyon.Doon kase nakaconfined si Dwayne.

Habang naglalakad ako ay kusa akong napahinto ng makasalubong ko si Trina.Ang seryoso niya habang naglalakad at hindi nga man lang ako napansin.

Marahil ay naggaling siya kay Dwayne.Ipinilig ko na lang ang aking ulo at hindi na nag isip pa ng kung anu ano.

Napatitig pa ako sa harap ng pintuan.Narating ko na kase ang kwarto niya at sobrang lakas ng kabog ng puso ko.Para bang hindi pa ako handa na makita siya.Pero miss na miss ko na siya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pinihit ang door knob.Isang tahimik na silid ang bumungad sakin.Kumunot lamang ang noo ko nang wala akong makitang nagbabantay sa kanya.

Pumasok na lang ako sa loob at pakiramdam ko ay sumisikip na naman ang paghinga ko.Sobrang hirap pa lang makitang nasa ganitong sitwasyon ang taong mahal mo.Yung hindi mo alam kung gigising pa ba siya o kaya naman ay kung sa muling pagmulat niya ay maalala ka kaya niya?

Ilan lamang iyon sa katanungan na naglalaro sa aking isipan.Hindi ko ugaling mag isip ng negatibo pero paano ko namang magagawa na maging positibo kung nakikita ko siya sa ganitong state.

Pinunasan ko na lang ang luha na tumulo mula sa mata ko.Ang sakit sakit sa puso na makita kang walang malay at tila ba bangkay.

Masuyo kong hinaplos ang kanyang pisngi habang lumuluha.

"Love,miss na miss na kita.Gumising ka na please,Gustung gusto na kitang mayakap.Miss na misss na kita.Please,gumising kana"Lumuluhang pakiusap ko habang hawak hawak ko ang kanyang kamay.

Napasinghap naman ako ng biglang gumalaw ang daliri niya kaya naman napaluha na lang ako.

"D-dwayne"Mahinang bigkas ko sa pangalan niya.Unti unti naman niyang iminulat ang kanyang mata at saglit na nagtama ang tingin naming dalawa.Akala ko ay magiging masaya na ako kapag nakita ko siyang nagkamalay pero bakit parang mas masakit?

"Sino ka?"

Napapikit na lang ako at pinakalma ang sarili ko.Kahit na gusto kong sabihin na ako t'o si Sandra,yung babaeng mahal na mahal mo.

"H-hindi m-mo b-ba ako kilala?"Napakagat labi na lang ako upang mapigilan ang sarili ko sa pag iyak.Parang pinipiga ang puso ko ng kumunot lang ang kanyang noo.

"Huh?Sorry miss,hindi kase kita kilala eh.Nasan si Trina?"Tanong naman niya.Pinilit ko namang ngumiti kahit na ang sakit sakit.

"S-si trina?B-bakit mo naman siya hinahanap?"Pinilit kong pasiglahin ang sarili ko kahit na sobrang hirap pagtakpan ang tunay na nararamdam mo.

"Ahh,Namiss ko na kase ang asawa ko.Nasan ba siya?Nasa labas ba siya?"Napatungo na lang ako at tumayo na.Ayoko na,hindi ko na kaya.Para ko na ring pinatay ang sarili ko kapag nanatili pa rin ako dito.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon