Ghie's PoV:
Pumasok na ako sa room ko kahit hindi pa ako inaantok. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Psh.
Dami ba talaga???
Wew.
Bumaba muna ako sa kitchen para magtimpla ng gatas upang makatulog.Nakababa na ako nang bigla kung maramdaman na parang kinakabahan ako na ewan.
Nagtitimpla na ako ng gatas nang mapalingon ako bigla dahil nararamdaman ko na may nakatingin sa akin at nakita ko nga siyang nakatayo sa may pinto.
"OMG. Anong gagawin ko? "Bulong na sabi ko. Iwan kung narinig nga ba niya.
Malakas ang kabog ng dibdib ko na parang nahihiya na kinakabahan ako. Tumalikod ako ulit at ininom ang gatas na tinimpla ko.
Ano kaya ang ginagawa niya dito?
Pagharap ko nandoon pa din siya nakatayo habang nakatingin sakin. Madadaanan ko siya papuntang salas kaya I don't have a choice kundi ang dumaan sa gilid niya. Nataranta naman ako ng bigla siyang magsalita ng tumapat ako sa kanya.
"So,Lance is courting you already? "Napahinto ako sa sinabi niya.
"Pa-pakialam mo ba? "Shocks bakit nauutal ako? Si KJ lang yang kaharap mo Ghie,ano ka ba.!
"Pffft,really? "He chuckled.Kaya nairita ako.
"What's wrong with you Mr. Hung? Ano ba sayo kung liligawan ako ni Lance? "
"Tsss, nothing. Ang pangit mo kasi."ngumisi pa siya kaya na buwesit ako.
"A-ano?? "
"Are you deaf? As I've said y---. "
"Shut up."sinigawan ko siya. "Akala mo kung sino kang guwapo. Eh ang pangit naman ugali mo."
Tinabig ko siya para makadaan ako at tumakbo papasok sa room ko. Hindi ko na siya nilingon pa.
Nakakainis talaga ang lalaking yon. Ano kayang nakain niya at lumapit siya sakin at kinausap pa talaga ako. Siguradong pinagti-tripan na naman niya ako. Makatulog na nga lang.
---
Kinaumagahan maaga naman akong gumising. As usual ginawa ko muna ang morning rituals ko bago bumaba. Nadatnan ko na kumakain na si Kuya habang nag-aayos si manang ng mesa.
"Good morning kuya, manang."
"Magandang morning lil sis. Kain kana. By the way,mauuna na ako sayo ha? Dadaanan ko pa ang ate Xiah mo. Mag commute ka nalang ulit ha? Malapit naman na ang birthday mo kaya siguradong magugustuhan mo ang gift nila Dad sayo." Nakangiting sabi niya.
"Okay po kuya."matamlay na sabi ko?
"Okay ka lang ba hija?"
"What happened? Pissed off na naman yang kagandahan mo? May hindi ba ako alam lil sis?"
"It's nothing kuya. Don't mind me."
"Are you sure? "Nakangising sabi niya.
"Yes kuya.!"hindi ko na siya pinansin at aasarin lang naman niya ako.
"Ang tipid mo magsalita ah,pffft."
"Naguguluhan ka ba sa kanila? "Amused na sabi niya kaya namula ako.
Haist.
Kuya talaga.
"Umalis kana nga kuya. Hinihintay kana siguro ni ate Xiah."
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...