Leigh's PoV
Nakarating kami sa bahay ng walang masyadong pinaguusapan. Mabait naman at understanding si Lance kaya walang problema.
"Okay ka lang ba?"
"O-oo naman hehe."
Nakaka-guilty nga lang kasi kahit siya ang kasama ko si Kj pa rin ang naiisip ko. Pasaway na isip at puso ito. Kasi mas masaya sana ako kung si Kj ang kasama ko ngayon.
"Ayan ka na naman Leigh. Tsk."
"Urgh!!!!."
"Thanks for the ride Lance. Ingat ka pauwi."sabi ko bago bumaba.
Hindi ko na siya in invite sa loob at wala na ako sa mood. Kahit ang ngiti ko tabingi na nga. Hindi ko lang alam kung napansin niya hehe.
"Thanks Ghie. Salamat kasi pinagbigyan mo akong ihatid kita."nakangiting sabi niya pero halatang matamlay."Goodnight.
"Goodnight.""Im so sorry Lance"
"Bye."
"Bye."
Bumaba na ako sa sasakyan niya at kinawayan siya bago umalis.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeritso sa room ko para magbihis. Maaga pa naman pero nawalan na ako ng ganang makipag-usap sa kanya.
Naabutan ko si manang na nagluluto na for dinner."Manang." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako.
"Baby Ghie, nakauwi ka na pala. Ang kuya mo hindi mo kasama?"
"Ahm, hindi po. Wala pa po siya nang. Hinatid niya po muna si ate Xiah." Nagpatuloy siya sa pagluluto. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom.
"Mag-meryenda ka muna baby Ghie."
"Hindi na po nang. Tawagin niyo nalang po ako at sa nasa ER lang po muna ako."
"O siya sige at matagal-tagal pa itong niluluto ko."
"Salamat po."tumango si manang kaya tumalikod na ako.
Namimiss ko na ang pagtutog ng piano at paggigitarang mag-isa. Hindi ko na nagawa simula ng magsimula ang school days.
Nakaupo na ako ngayon sa upuan while nagsa-strumps ng gitara.
Haysss.
Nagsimula na akong magtugtog ng gitara habang kumakanta.
I wanna call the stars
Down from the sky!
I wanna leave a day
That never dies,
I wanna change the world
Only for you.
You're the imposible
I wanna do.I wanna hold you close
Under the rain,
----------Biglang tumunog at nagvibrate ang phone sa bulsa ng shorts ko kaya napatigil ako sa pagkanta at the same time sa pagtugtog. Tinignan ko muna at baka important pala.
"1misscall"
Unregistered number???
"Waahhh, sino kaya 'to?"kinabahan ako bigla dahil siya ang sumagi agad sa isip ko.
"Tsk. Siya agad ang nasa isip mo Leigh? Baliw ka na nga."kausap ko sa sarili ko at naiiling.
Hinayaan ko na muna at hindi ko sinagot. Pinagpatuloy ko ang pagkanta at pag-strumps ng gitara.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...