Leigh's PoV
Iniwan ko na siya sa sasakyan niya dahil hindi naman siya sumunod na bumaba sa akin. Wala ata siyang ganang lumabas doon.
Sakto namang papasok na akong gate nang maabutan ako ni Lance. Ang bilis naman niyang nagmamaneho.
"Ghie?!!"tawag niya sa akin."Sandali lang. Bakit naputol ang tawag ko? Sino ang kasama mo?"aniya na medyo nahihingal pa. Tumakbo kasi siya habang papalapit sa akin. Pinagtitinginan kami ng ibang nga students na madadaanan namin.
"Ahm...."hindi na ako nakapagsalita dahil sumabat na si Kj. Nakasunod na pala siya sa akin nang hindi ko namamalayan.
"Ako ang kasama niya."
Waahhhhh ,wala na lagot na. Ayoko ko pa naman ng scene dito sa labas.
"Hey tol? Ikaw??? Ikaw ang sumundo sa kanya?"nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa. Natameme ako samantalang seryoso naman ang aura ni Kj."Akala ko ba hindi mo siya liligawan tol?"nagtatakang tanong ni Lance.
Pinapalibutan na kami ng mga estudyante dito. Ang iba nagtitili pa dahil halatang may gusto sila sa dalawang nilalang na ito.
"OMG!Ang guwapo mo talaga papa Lance."
"Akin ka nalang baby Jay."
"Kyaaaahhhhh,ang handsome nilang dalawa."
"Pansinin mo naman ako sweetie Lance."
"Ang ganda talaga ni Ghie."
"Puwede ko kayang ligawan si LG?"
"Sana maging akin siya."
Iba-iba ang mga maririnig namin pero hindi nalang namin pinapansin at naka-focus ako sa dalawang guwapong-guwapo na nilalang sa harapan ko.
"I don't say anything like that."simpleng sabi ni Kj.
Tumalikod na siya amin ni Lance at sinuot ang headset na dala niya. Pinaka-cool na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko.
Pumasok na siya sa loob ng building habang kami nakatunganga pa rin dito sa labas. Muntik na kaming mag-ilangan ni Lance.
"Ghie--."
"Im so sorry Lance. Hindi ko naman alam na susunduin mo ako. At hindi ko rin alam na susunduin niya ako."napabuntong-hininga siya.
"It's okay. Nexttime tatawagan kita nang maaga pa para malaman mo." Tumango lang ako.
"Gotta go Lance."
"Ihahatid na kita."prisinta niya papayag na sana ako ng dumating naman ang tatlo.
"Girl/Ghie."bati ng dalawa at nagtanguan lang kami ni Xaibel.
"Hello pretty ladies."nakangiting bati ni Lance sa kanilang tatlo.
"Hi papa Lance."Kae said.
"Hey Lance."si Gella yan at nagtanguan lang din sila Xaibel at Lance.
"Mauuna na ako sa inyo girls. Bye."nakangiting sabi niya."Seeyou later Ghie."baling niya sa akin. Napatango nalang ako. Mukhang badtrip din siya pero pinipigilan niya lang.
"Sige. Let's go girls."sabi ko nalang.
"I think Kayspee Jay likes you also." Sabi ni Xaibel.
"Oh my goodness. What happened girl?"tanong agad ni Gella. Ang ibang mga estudyante nakatingin pa rin sa amin. Ang iba naman ay umalis na.
"Kyaaaahhhhh,we saw it girl with our very own eyes. Ayeehhh,may something fishy-fishy na nagaganap." Tantalizing-eyes na sabi ni Kae.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...