Leigh's PoV
After ng performance ni Lance bumalik na agad siya sa backstage. Mabuti nalang pala at iba ang nakatoka doon dahil pag nagkataon magkakasama kami doon sa backstage at hindi ko siguro alam ang dapat kung gagawin.
I saw it in his eyes na nasaktan ko siya. Kailangan ko na siyang makausap sa lalong madaling panahon.
Nakaka-guilty kahit wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya.
Dahil sa dance number pa ulit bago ang isa pang song number kaya naisipan ko na kausapin siya at ngayon na yon.
"Kae,lalabas muna ako. Babalik din ako agad."sabi ko kay Kae kay napangiti naman siya.
"Sure. Gusto mo samahan na kita?"tanong niya kaya napailing nalang ako. Gusto ko ding may kasama subalit ayoko ko naman na hindi ako kakausapin ni Lance ng masinsinan kapag may kasama ako.
"It's okay Kae. I can manage don't worry,okay?."siniguro ko sa kanya.
Umalis na ako at walang pakialam ang iba dahil nasa harapan ang focus nila.
Dali-dali akong pumunta sa backstage at sumilip doon subalit hindi ko na siya makita pa. Sa halip sila Jam at Stephen ang nakita ko sa loob pati ang mga kasamahan niya sa dance troops kaya napapailing na bumalik ako sa loob ng auditurium.
Papasok na ako sa loob ng makasalubong ko si Glaiza at Alliah na papalabas din.
"Well,well look over here Alli."ang sama ng tingin niya sa akin samantala nakangisi naman si Alli.
"Pffft. Let's go Glai at hinihintay na niya tayo."nakangisi pa rin niyang sabi. Parang may kahulugan ang mga ngiti niya. Bigla na lang ngumisi ng malapad sa akin si Glaiza na parang nang-aasar.
"Yeah but of course Alli. Baka mainip yon at babalik dito."mariing sabi nito." Enjoy your day here Leigh Ghie at mag-eenjoy din kaming dalawa later,hahaha."napakunot-noo ako habang nakasunod ang tingin sa kanila na nagtatawanan papunta sa parking area.
Weird.
"Tsk. Paki ko ba?."napapailing nalang ako na lumapit sa mga kaibigan ko.
Nagtataka akong lumingon sa kabilang side at tinignan ko kung nakabalik na siya pero kahit ni anino niya wala pa rin.
"Ano kaya ang nangyari? Bakit bigla nalang siyang umalis kanina?"
Pinipilit ko na ibaling ang attention ko sa mga sumasayaw sa stage subalit bumabalik pa rin sa isip ko ang sinabi nipa Glaiza at Alliah kanina.
"Ano kaya ang ibig nilang sabihin?"
---
Palakpakan na ang sumunod na nangyari pero malalim pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon. Wala na akong pakialam kung sino na ang susunod na magpe-perform dahil hindi ako mapalagay na ewan.
Para na akong baliw sa kakaisip kung ano na ang pinaggagawa ni KJ.
Nasaan na kaya siya?
Sino kaya ang kasama niya?
Kinapa ko ang phone ko at tinignan kung may text o tawag mula sa kanya subalit kahit ni isa wala talaga.
"Haist.. Focus Leigh."bulong ko sa aking sarili.
"Hoy... Anong nangyari sayo girl? Bakit nakatulala ka?"puna ni Kae sa akin.
"Ha? Ahm,ano kasi Kae."napatingin siya sa akin. Kilala na nga ako ng kaibigan ko na ito dahil alam na alam niya kung may hindi magandang nangyayari.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...