"Chapter 32/New Friend?*

16 5 0
                                    

Leigh's PoV

Bumaba na ako agad para makapaghanda ng meryenda namin.  Naabutan ko silang dalawa na nanonood ng korean movie. Adik din kasi ako sa mga ganyang movies kaya pati sila na adik din hahaha.

Lalo na ang Princess Hours feeling ko ako yong bida hehehe.

Dumeritso na muna ako papuntang kitchen at baka nandoon si manang. Pero walang tao dito kaya bumalim na ako sa living room at baka natutulog pa si manang. Maaga pa naman kasi eh. Five o'clock palang naman.

Tanungin ko nalang silang dalawa kung ano ang kakainin nilang pagkain.

"Girls anong gusto niyong meryenda?"

"Ikaw na ang bahala girl."si Kae walang problema sa pagkain.

"Cake at Icecream yong sakin Ghie."pareho kami ng hilig ni Xaibel. Mahilig sa matatamis lalo na ang chocolates.

"Aha! Cookies and cream nalang girls then chocolate na Cake. Okay na ba?"

"Yes."parang bata na sabi ni Xai kaya natawa kami ni Kae.

"Pffft,walang problema sa akin girl."

"Okay dokie. Stay here okay? Bibili lang ako sa labas."malapit lang naman kasi ang 7/11 sa amin.

"Okay girl."

"Take your time girl."

Kinuha ko na ang bike ko para mas madali ang pagbili ko. Palagi ko naman itong ginagamit lalo na kung gusto kong mamasyal sa park.

Lumabas na ako sa gate para bumili ng meryenda namin. Malapit lang naman kasi. Pinark ko lang sa gilid ang bike ko at pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob dahil sa pagmamadali may nabangga ako kaya muntik na akong matumba. Mabuti nalang at nahawakan niya ako braso kaya nahatak niya ako.

"Hey! Watch out." Sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

"Salamat."nagkatinginan kaming dalawa.

"Wow. Ang guwapo ah. Pero mas guwapo pa rin si Kj para sa akin hehehe. Halatang may lahi siya,half Spanish siguro."

"Your welcome."napangiti siya kaya napangiti din ako." Im Nicollo Vonne Peterson. And you are?"

"Leigh Ghie Lee here."inabot niya ang kamay ko kaya nakipagshake-hands din ako sa kanya.

"Glad to meet you Leigh."

"Same here Vonne."napangiti siya ulit."Ahm,gotta go."

"Ah,hehe. Yeah,sure. See you around Leigh."napatango nalang ako.

Palabas na siya ng 7/11 at ako naman kumuha na ng Icecream at nag order ng Cake saka nagbayad sa counter.

Lumabas na ako at kinuha ang bike at agad na sumakay at umalis. Mabuti nalang may lalagyan sa unahan ang bike ko katulad ng mga napanood ko sa korean movie hehehe.

Papalabas na ako ng parking area ng may tumawag sa akin kaya napahinto ako. Kilala ko ang lalaking tumatawag sa akin.

"Hi Leigh."napalingon ako at siya nga. Nagmamaneho siya sa sasakyan niya katulad ng sasakyan ni Kj."Going home?"

"Yeah. Bye."akma na akong aalis ng tinawag niya ako ulit.

"Wait. Ahm,can we be friends?"may hesitant sa boses niya."If you don't mind."nakangiti na siya.

"Wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko siya di ba? Feeling ko naman mabait siya. For sure kikiligin ang mga kaibigan ko sa kanya hahaha."

When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon