Leigh's PoV
KAKATAPOS lang naming magperform at nag-aayos na kami ng aming mga gamit ngayon dito sa backstage. Kami din ang nagtapos ng program dahil kami nga ang encharge sa singing club.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi masaktan dahil hindi man lang siya nagparamdam sa akin simula pa kanina. Feeling ko nga maiiyak na ako pero pinipilit ko na hindi iiyak at nandito pa kami sa school. Mamaya nalang siguro ako mag-e-Emo kung nasa bahay na ako hehe.
Lalapitan ko na sana ang mga kaibigan ko ng tumunog ang phone ko. Agad ko namang kinuha at nagbabasakali na siya na ang tumawag at hindi nga ako nagkamali. Kaya agad ko naman sinagot ang tawag niya.
"He-hello!"nauutal na sabi ko. Kinakabahan kasi ako na ewan.
"Pangit... Okay ka lang ba? Bakit ang pangit ata ng boses mo ngayon."
Kitams???
Nang-aasar na naman siya.
Kutusan ko 'tong lalaking ito eh.
Pasalamat siya at na miss ko siya.
"Agad-agad?"
Tsk.
"Tsss. Daming nalalaman ah. Asan ka na ba? Bakit ang tagal mo naman."
Babalik pa kaya siya?
Ihahatid pa kaya niya ako sa bahay?
"I need to tell you something sweetipie."sabi na eh."I can't go back there coz we need to go somewhere...."wag naman sana."With my Mom."I sighed.
Mommy niya naman pala ang kasama.
Akala ko naman si Glaiza at Alliah.
May magagawa pa nga ba ako?
I think hindi pa ito ang oras para makilala siya ng lubusan nila mom at dad.
"Okay lang KJ. Mag-iingat ka."
Maybe nexttime.
"Okay ka lang Pie?"aniya...
Napangiti ako ng malungkot. Halatang concern siya sa akin.
Akala ko noon wala man lang ka sweetness-sweetness sa katawan ng lalaking ito.
Hehehe.
"Oo naman haha... Hindi mo naman ako obligasyon eh... Naiintindihan ko."
"Hindi naman kita pag-aari eh."
"Babawi ako sweetiepie... That's a promise."
Maniniwala ba ako?
"No. Wag kang mangako dahil kadalasan ng pangako. Napapako."
Marami na ang mga pangyayari na ganyan eh.
"Gagawin ko sweetiepie..Wag kang mag-alala. Gotta go. I need to fixed myself first... Seeyou soon."
Haist.
Aasa na naman ba ako?
"Bye.. Seeyou."
Naputol na ang linya kaya isinukbit ko na ang bag na dala ko at lumapit kila Kae at Xai. Nauna na siguro si Gella at hindi ko lang napansin kanina.
"Sa lalim ba naman ng iniisip mo eh."
"Hey! Let's go?"tanong ni Xaibel sa akin. Nakatingin siguro sila kanina habang kausap ko siya sa phone kaya hindi na sila nagtanong pa.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Fiksi RemajaHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...