Leigh's PoV
HABANG nagluluto sila mom ng pagkain namin tumutulong ang mga mommy nila KJ doon sa loob. Sila Dad naman ang nag-iihaw dito sa labas. Samantala nanatili kaming nakaupo dito at patuloy kami sa pag-uusap kasama ang dalawa.
Dito na kami kakain sa pool area dahil mas maaliwalas dito lalo na sa gabi. Lalo na at marami kami ngayon.
Si kuya naman hindi pa rin lumalabas mula sa kuwarto niya. Siguradong nag-telibabad na naman yon kay ate Xiah.
Hindi na dumating si Gella dahil may date pa daw sila ni Zion. Dito na rin kumain ng dinner si Xai at Kae.
"Anong oras pala natapos ang event kanina?"tanong ni Alliah.
"Almost Five sharp na yon. Di ba girls?"sagot ni Kaella. Napatango nalang kami ni Xai.
Sa aming apat si Mikaella ang spokesperson namin. Madaldal nga kasi siya at hindi namimili ng kausap. Gusto niya man o hindi basta kasama siya sasagot at sasagot yan.
"How's your performance?"sarcastic na tanong ni Glaiza. Hindi nga siya nakatingin sa akin pero halatang ako lang ang tinanong niya
Ever since talaga napakapangit ng ugali ng babaeng ito. Hindi ko na nga lang papatulan at nakakahiya kung sakali sa mga parents namin.
"It's fine."napangisi siya.
Napapailing nalang si Xaibel at nagpapalipat-lipat lang ng tingin sa amin ni Glaiza. Si Alliah naman kunwari nakatingin sa phone niya pero halatang naka-smirk din.
"Really? Good to hear that."napatingin ako sa kanya.
"Yeah-----."
"Beeep-beep-beeep"
Naputol ang sasabihin ko dahil may bumusina na.
"I think it's my kuya na."nakangiting sabi ni Glaiza. Tinawag niya ang daddy niya."Dad!"napalingon ang daddy niya.
"Ang kuya mo na siguro yan anak."nakangiting sabi nito.
"I think so Dad."
"Oh my!Himala girl. Pumunta ang kuya mo,pffft."ani Alliah.
Bakit kaya?
"You know what girl. She's takot lang naman kay Dad eh."she smirked.
"Hahaha. Dati naman kasi ayaw niyang magpupupunta kahit saang party. Dito pa kaya."napatingin kami kay Alliah."May sinabi ka na namang iba ano,pffft."
Napatingin siya sa akin at kay KJ.
May pakiramdam talaga ako na may plano ang babaeng ito.
"Well,well!Akin na lang 'yon hahaha."
"Tsss."napatingin ako kay KJ.
May alam kaya siya?
"Believe talaga ako sayo girl hahaha."
"Tsk."napatingin ako kay Kae at nakita kung napaismid siya. Si Xaibel naman blanko ang mukha habang naglalaro sa phone niya.
"Hey!Kuya."napalingon kaming lahat sa tinawag niyang kuya.
Naka side-view na siya ng malingunan ko dahil nakalapit na siya doon kila Dad at bumeso.
Parang familiar siya sa akin.
"Ang guwapo talaga ng kuya mo girl."Alliah giggled.
Guwapo nga naman talaga siya kaya lang MAS guwapo pa rin si KJ para sa akin.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...