Leigh's PoV
Papunta na kami sa school ngayon at ilang minuto nalang ang natira.
"You know what? Nagtataka talaga ako ha? Hindi ko alam kung bakit naisipan mo 'yang dare-dare na 'yan. Gusto lang ata akong ulilain eh." Nakasimangot na sabi ko habang nakangisi siya.
"I love teasing you pangit kaya wag ka nang magtaka."
"Tsss,daming nalalaman."I pouted."Gusto mo lang talaga akong maging slave eh."
"Hahaha,wag ka ngang ganyan lalo kang pumapangit."inirapan ko nalang siya.
Nandito na pala kami sa school ng hindi ko namamalayan. Hindi pa siya bumaba at nanatiling seryoso ang mukha niya. Ano na naman ba ang plano nito. Akma na akong bababa ng magsalita siya. Pero hindi ko naman mabas kung ano ang iniisip niya.
"Wait."nilingon ko siya.
"Bakit?"nakataas ang kilay na sabi ko.
"Before lunchtime after ng class mo pumunta ka sa 2ndfloor doon sa Music room. I'll wait for you there."
"Tsss. Yes boss copy that. May magagawa pa ba ako."pabulong na sabi ko sa huli."Salamat pala sa breakfast at sa pagsundo."
"My pleasure pangit. May kapalit 'yan."he smirked.
"Sabi na nga ba."padabog akong lumabas sa sasakyan niya.
Lakad-takbo ang ginawa ko para makaalis agad sa parking area at baka may makakita pa sa amin at makarating na naman ky Glaiza. Hindi ko na siya nilingon pa kaya hindi ko alam kung nakababa na nga ba siya.
Papasok na ako sa gate ng tawagin ako ng tatlo. Magkasama silang lumapit sanakin kaya hinintay ko nalang.
"Morning cuties."nakangiti kung sabi kaya parang nagtaka sila.
Pffft.
"Morning too Ghie/Hey/Hello girl."sabay nilang sabi at nagbeso kaming apat.
Magkasama na kaming apat papasok sa building namin. As usual marami ang mga naririnig namin sa paligid pero hindi na namin sila pinansin.
"So?How was your date yesterday?"tanong agad ni Gella.
"Naman girl,kumusta ang date natin. Ayeeeeh,lumi-level up na talaga ah."nagniningning ang mga mata ni Kae mukhang kinikilig na naman siya.
"Is he courting you ba?"nanunuksong sabi ni Gella.
"Sinagot mo na ba?"napatingin kaming tatlo kay Xaibel at sabay na napahagikhik.
"Pffft,sagot agad? Di puwedeng ligawan muna."
"Hahaha,yeah right."kaya sinamaan sila ng tingin ni Xaibel.
"Pfft,wag nga kayong atat diyan. Wala pa nga eh. Excited pa kayo sa'kin."sabi ko nalang.
"OMG!!!."
"Kyaaaahhhhh."
"Tsk."
"Hoy! Ang iingay niyo talaga. Tumahimik nga kayo."
"'yang dalawang 'yan ang iingay." Sabi ni Xai kaya inirapan siya ng dalawa. Nagtawanan naman kaming dalawa.
Nasa hallway na kami ng makasalubong namin silang apat kasama siya. Saan kaya ang punta ng mga ito at ang aga-aga.
"Hello cutie pretty ladies."sabay kindat pa ni Venthon at bumaling kay Xai."Good morning sayo babylove ko."nakangiting sabi pa.
Nagbatian naman kami nila Xyrel,at Zion maliban sa kanya. Ang suplado na naman nito. Kanina kung magkasama kami ang ingay-ingay niya kapag marami kaming kasama ang tahimik naman niya. Napaka-moody niya talaga.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...