——
"A person who truly loves you
will never let you go
Or
giving up on you.
No matter how hard the situation is."Leigh——
Kahit ilang balde o drum pa ang lumabas na luha sa mga mata mo.
Kahit ilang beses ka pang masaktan ng paulit-ulit.
Kahit maraming beses kapang malungkot o sumaya nang dahil sa kanya
Kung talagang mahal mo siya,
Hinding-hindi ka magsasawa kahit na kailan.
Dahil ang totoong nagmamahalan hindi nag-iiwanan."Siya lang ang mamahalin ko habang humihinga pa ako."
Pangako ko yan sa sarili ko. Kahit mga bata pa lamang kami pero alam ko na ang tama at mali. Hindi naman kami gagawa ng labag para magalit sa amin ang aming mga magulang. Dahil may tiwala sila sa amin. Hindi namin sisirain ang tiwala nila samin.That night naging KAMI na nga officially.
-Flashback-
"Ehem.Saan kayo galing?"tanong agad ni Kae sa amin. Nasa amin na lahat ng attention nila. Naglalaro pa rin sila ng bumalik kami dito.
"I smell something fishda."tukso ni Gella.
"Doon lang."tipid na sabi ko. Tumango lang si KJ pero nakangiti kaming dalawa.
"Love is in the Air."kantiyaw ni Zion. Tawanan kami.
"Oi!Ano yan?"turo ni Venthon sa magka-holding hands na kamay naming dalawa ni KJ. Nagkatinginan silang lahat.
"Mga kamay nila.... Ikaw talaga Venthon ang slow mo."nakangising sabi ni Kaella.
"Kamay nga."may pagka-slow din ang isang ito.
"Porke't hindi pa rin siya sinasagot ni Bella gumaganyan na siya."biro ni Xyrel sa kanya. Tahimik lang si Xai habang nagmamasid.
"Guys.."napatingin lahat kay KJ. "Meet my GIRLFRIEND here.."malakas na sabi ni KJ sabay hatak sa akin palapit sa kanya.
"Ohhh!" Singhap ng iba.
"Kyaaaahhh!"sabay na tili ng mga girls.At nagpalakpakan pa huh. Napailing nalang ako na nakangiti pero nakangisi lang si KJ habang kaakbay niya ko. Ang saya-saya ko ngayon kasi feeling ko na proud na proud siya na ipakakilala ako sa harapan ng mga kaibigan namin na GIRLFRIEND na niya ako.
"Ayeehhh. Sa wakas kayo na rin."tukso ni Kae samin.
"Absolutely."sabi ni Xaibel.
"Congratulations for the both of you."kinikilig na sabi ko ni Gella
"Party-party."sigaw ni Claython sabay taas ng baso. "Cheersss"nagsikuha din kami ng mga baso namin at sabay taas ng mga ito. "Cheerssss."
-end of flashback-
MASAYA ang mga kaibigan namin para samin. Siyempre masayang-masaya din kaming dalawa. Kahit na may mga masasaktan dahil sa relasyon namin pero naniniwala kami na someday maintindihan nila kami. Nalaman na din ni kuya at ng ibang mga ka tropa nila na KAMI na nga ni KJ. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni kuya kay KJ dahil nagusap daw silang dalawa that night pero hindi sinabi sakin.Hindi ko alam kung sinabi na ba ni kuya kila Dad at Mom pero hindi naman ako kinausap ni Dad about that. Hihintayin ko nalang na uuwi sila saka ko sasabihin.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Novela JuvenilHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...