Continuation ...
NASA kalagitnaan na ang party ko nang mapansin ko na dumating na si Glaiza at Alliah kasama si Vonne at siya.
Kaya pala pupunta dahil kasama si Glaiza.
Hindi ko mapigilang hindi umiiyak ng tahimik dahil sa nakita ko. Buti nalang at sakto namang si Lance ang nagsasalita. Kunwari nalang na touch ako sa sinabi niya pero mas na touch ako ng makita ko silang magkasama at naka alalay pa siya kay Glaiza.
Yes.
Si Lance pala ang naging escort ko dahil late siya dumating at ganun din si Vonne.
Kung hindi pa nagpalakpakan ang mga tao hindi pa ako nagising sa masamang panaginip. Kahit nung magsalita na ang Emcee na umpisahan na ang pagkain at halos lahat tumayo na hindi ko pa nagawang tumayo.
"Anak,saan ka pupunta¿"tanong ni Mommy. Siya ang katabi ko sa kabila at katabi ko naman sa kabila si Dad pero busy si Dad sa pakikipagusap sa katabi niya. "Kakain na tayo."
"Sa loob Mom. Sandali lang ako."tumango siya kaya agad akong tumalikod at pumasok sa loob. Hindi ko na hinintay na makalapit si Lance sakin.
Patakbo akong pumasok sa kuwarto ko at doon umiiyak.
Bakit sinira niya ang araw ko¿
Bakit ngayon pa¿
Hindi ko mapigilang humagulgol dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Masaya na sana ako eh. Pero sandali lang pala ang nararamdaman kung happiness kanina. May kapalit pala lahat ng yun.
Hindi puwede.
Kailangang ipakita ko sa kanya na Okay lang sakin. Dahil pumunta naman siya Okay pa rin yon.
Pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang sarili ko bago bumaba. Baka magtaka sila kung bakit nawala ako. Kailangan kung harapin ang lahat ng ito. Para matapos nang kabaliwan ko sa kanya.
Nagbihis muna ako ng cocktail dress bago bumaba. Para hindi nila mahalatang nagmukmuk ako saglit.
Hehe.
Pababa na ako sa hagdan ng magsalita si kuya.
"Where have you been,Lil Sis¿"kasama niya si Ate Xiah at May dala silang desert. Dito sila siguro kakain sa living room.
"Sa taas kuya. May dinala ako kanina."alam ko na hindi siya naniwala dahil tumahimik na siya.Lumapit si Ate sa akin at nagbeso. "At nagbihis na rin."he sighed.
"Happy birthday,lil Sis."nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako.
"Thank you ate."
"Yong gift ko pagtyagaan mo na Ha¿"
"Ikaw talaga ate.. Salamat ah."tumango siya. "Maiwan ko na kayo dito. Enjoy."mapanuksong sabi ko. Ngumisi lang silang dalawa.
Kalalabas ko lang ng pinto ng makasalubong ko si Lance. "Where have you been,Ghie¿ Ang tagal mo ah. Kakain na tayo."
Ows¡
Hinintay niya siguro ako. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Sa loob. Don't you see¿Kakabihis ko lang. Sagabal kasi ang long gown eh."nakangising sabi ko.
"Really."
Pffft.
"But of course. Then nagusap kami saglit nila Kuya at ate Xiah."
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...