Venthon's PoV
Magkasabay kaming dumating ni Theo dito sa University. Hindi ko alam kung nasaan na ang iba dahil hindi ko na ginising ang mga loko sa condo. Kaka-parking ko lang ng bumaba siya sa kotse niya.
"Hoy!Tol."bungad ko sa kanya. Napangiti siya at kinuha ang mga gamit niya.
"Hey!Ang aga mo ata."napangisi ako.
"Ikaw rin."napailing siya na nakangising lumapit sa akin."Huh!Ang ganda ng gising natin tol ah. Himala nakangisi ka ngayon hahaha."
"Bakit kailan ba hindi nakangisi ang kaguwapuhan ko?"kunwari nakakunot-noo ako.
"Tch! Oo nga pala hahaha."aniya. Bakit mag-isa ka? Himala huh wala kang dala."binatukan ko siya.
"Hahaha. Bakit? Totoo naman ah."napahimas ako sa batok ko.
Oo nga naman. Simula kasi nung hindi na pinansin ni Babylove ang kaguwapuhang taglay ko. Kahit na sinong babae ang lalapit sa akin hatid-sundo ko araw-araw ganyan ako ka pursige para kalimutan siya. Pero ang lintik na pusong to napakakulit at si babylove pa rin ang hinahanap.
"Hahaha. Trip ko lang tol."
"So? Nagbagong-buhay ka na sa lagay na yan tol."
"Hahaha. Sinong may sabi sayo?" Naglalakad kami papunta sa building namin. Maya-maya nagtitili na ang mga babaeng madadaanan namin.
"Kyaahhhh,ang guwapo ni baby Thon."
"Ehhhhhhhh,akin ka nalang papa Ariez."
" OMG!Hihimatayin na ako."
"Ngumiti si Baby Thon sa akin, Kyahhh."
Napailing si Theo pero ako tudo ngiti sa kanila."Tsk. Akala ko pa naman magbabago kana dahil kay Mexah Bella."natahimik ako sa sinabi niya.
"Hahaha. Anyari sayo tol. Mga chikababes yon hindi mo pinansin."asar niya sa akin.
"Hindi naman sila kapansin-pansin."sabi ko nalang."Ikaw nga manhid ka pa din? Akala ko pa naman nagbago kana dahil kay Lajah."sinamaan niya ako ng tingin.
"Tss. Ang bunganga mo tol."
"Hahahaha."akala ko pa naman si Jay at Lance lang ang naging torpe. Pati pala ang isang ito. Napangisi nalang ako.
Dumeritso kami sa room namin at naabutan namin si Xyrel at Lean na nagtatawanan.
~°~
Xyrel's PoV
As usual ako ang pinakamaaga sa aming anim. Bakit anim????
Kasi kasama na namin si Theo kaya anim na kami haha. Nag-shifting siya ng course kasi hindi niya nagustuhan ang course na kinuha niya dati nursing daw ang gusto ng daddy niya pero ayaw niya. Kaya lumipat siya sa amin dahil gusto niyang maging business man someday. Hahaha akalain mo yon?
Im here at the room kasama ang iba naming mga kaklase. Maaga pa kasi kaya nagkukuwentuhan kami ng sumulpot ang dalawang kolokoy na nagtatawanan.
"Oy tol."pansin ni Thon sa akin."Akalain mo? Consistent ka pa rin sa title mo ah." Ngumisi pa. Nag-facebomb kaming tatlo.
"Ulol. Daming nalalaman nito."tawanan kami." Hindi ka ata nakakain ng agahan mo tol."kumunot ang noo niya.
"Haha. Tch."Theo yan.
BINABASA MO ANG
When You Tell Me That You Love Me(COMPLETED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: (04-13-19) #1-cuties #2-teenstories #3-friendzone #3-heartaches #4-loveteam #4-lovelovelove #4-tropa #10-feelings #33-inlove #69-taglish #115-friendship ----- Ano kaya ang gagawin mo kung sakaling mai-inlove ka sa katrop...