Chapter 14
------
Xenon's POV
Nagdadrive ako habang iniisip yung nangyari kanina. Mula noon haggang ngayon napaka pikonin pa rin siya. Napangiti ako habang inaalala yung itsura nya kanina. Hehe. Ang cute kasi niya.
"Ehem! " nawala yung ngiti ko ng bigla syang tumikhim habang nakaupo sa passenger seat. Shit! Nakita niya kaya yung pag ngiti-ngiti ko, baka mapagkamalan pa niya akong baliw. Ugghh!! Embarrassing!! -_-
Bahala na! Hindi na lang ako lilingon sa kaniya.
" Ahhmmm..dyan na lang ako bababa sa gate ng village namin. Lalakarin ko na lang yung papuntang bahay namin. " narinig kong sabi niya.
"No. Ihahatid kita hanggang sa inyo. " madiin kong sagot sa kaniya.
" Pe--- "
" No but. " putol ko sa kaniyang sasabihin. At papasok na kami sa village nila.
***
Shen's POV
Papasok na kami sa village namin. Patay na! Lagot ako nila kuya nito. Eh, diba nga sabi nila lumayo ako kay Xenon. Eh, ito nga, hinatid pako. Mas lalong magagalit sila kuya sakin. Huhu!! Hindi pa nga kami bati eh TT_TT
Hindi pa nila ako kinakausap mula nung sinabihan nila ako. Na lumayo nako kay Xenon.
" We're here. " napalunok ako nang sinabi ni Xenon yun. ' we're here ' na raw eh. So, nandito na kami sa bahay namin. Maika ilang ulit pako lumunok ng laway ko.
" Shen? Is there something wrong? " tanong sakin ni Xenon...
" Ha? Ahh wala, wala. Sige, bababa nako. Ingat ka sa pag uwi mo. Hehe, salamat sa paghatid. " paalam ko sa kaniya. Kabado ako bumaba sa kotse ni Xenon. At nagmadali na pumunta sa tapat ng gate namin. Sana wala pa sila kuya sa loob ng bahay. Sana tulog na sila. Pero imposimble yun. Knowing nila kuya, hihintayin talaga nila ako.
Nasa tapat nako ng gate. Bago ko buksan ang gate ay huminga muna ako ng malalim. Pagkabukas ko. 0_O
Wala sila kuya. Na naghihintay sakin dito sa labas, kasi kadalasan maghihintay yun dito eh. Dapat bang maging masaya ako?? Bumalik ako sa gate para isarado yun. Pero pagkabalik ko ay nasa tapat ng gate namin si Xenon. Akala ko nakaalis na siya. Magsasalita na sana ako para tanungin si Xenon nang may nagsalita sa likuran ko.
" Baby girl, andito kana pala. At oh, may kasama ka? Bakit di mo siya papasukin muna rito para makisabay sa dinner natin." sabi ni kuya Diel.
Patay na..
* Fast forward *
Tahimik kami nila kuya at Xenon na kumakain dito sa dinning area. Nakakabingi na ang katahimikan.
" Ehem! " pang aagaw pansin ni kuya Niel. Kaya napatingin kami lahat sa kaniya. Ay, hindi pala. Kami lang pala ni Xenon ang napatingin kay kuya Niel. Kasi si kuya Diel ay nagpatuloy lang siya sa pagkain niya.
"So, bakit kayo magkasamang dalawa?" patuloy na tanong ni Kuya Niel sà amin. Kahit kambal sila kuya Diel at kuya Niel ay meron pa rin sila pinagkaibahan. Mas seryoso lang talaga si kuya Diel kaysa kay kuya Niel.
"Ahm.. - aw!!" daing ni Xenon nang matapos ko syang sinipa sa kaniyang paa sa ilalim ng mesa. Mahina lang naman yun. Baka kung ano pang sabihin niya kila kuya. At ayoko malaman nila kuya ang nangyari sakin kanina sa school. Ayoko mag alala pa sila sakin at mas ayoko makaabot pa iyon kila mama at papa.
" Ahh, sinamahan lang niya ako bumili ng materials para sa activities namin bukas kuya Niel. " pagdadahilan ko. Patay na. Nagsisinungaling ako. Liars goto hell.. NO! Ayoko sa hell. T_T
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
ActionI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.