Chapter 39

879 35 20
                                    

Chapter 39

----

Xenon's POV

Nagpapalitan kami ng mga suntok ng gagong to. Di ko akalain na magaling pala siya sa suntukan. Yeah, inaamin ko na malakas ang mga suntok na binigay niya sakin. Pero hindi pa rin ako magpapatalo sa kanya.

" Bakit di mo na lang tanggapin na napakawalang kwenta mong boyfriend !! " sigaw niya habang sinuntok ako.

Kaya na out of balance ako. Shit! Ang lakas nun. Nalasahan kona ang mismo dugo sa gilid ng labi ko. Kaya dumura ako saka tumayo at hinarap siya.

" Naiinggit ka lang sakin Lazaro!! " sabi ko sabay suntok sa kanya.

Alam kong may gusto siya kay Shen. Matagal kona syang kilala. Dahil nagtatrabaho pa saamin company ang dad nya. At naging team mate kopa siya sa basketball. Nawala lang ang communication namin nung namatay yung dad niya at pagkatapos nun hindi na siya nagpakita four years ago. 

Tapos ngayon babalik siya na parang hindi kami nagkakilala ng ilang taon. Tinuring ko siya na parang kapatid ko. Pero siya hindi nya nagawa yun at ganun na lang kadali kalimutan yung pinagsamahan namin noon. Sa hindi ko malaman ang dahilan.

" Hindi ako naiinggit sayo Blood. Dahil kung ano man ang meron sayo ngayon ay unting unti nang mawawala. " sabi niya.

" Bakit? May balak kang agawin sakin lahat ? Pati girlfriend ko. " tanong ko sa kanya.

" Kung pwede? Pati si Shen. Kukunin kona siya sayo. " sabi niya na nakangisi pa. Ang lakas ng loob nyang sabihin saakin yan.

" Kung galit ka saamin ng pamilya ko Lazaro. Wag munang idamay si Shen. " alam kong galit siya saamin kasi hindi namin sila tinulungan ng kapatid niya na makuha ang hustisya para sa kanilang dad noon.

" Di siya madadamay dito kung hihiwalayan muna siya. " sabi niya. Aba't ang gago!

" Asa ka !! " sinugod ko siya uli. Natumba siya at umubo ng dugo. Tsk. Buti nga sa kanya yan.

" Hiwalayan muna siya Xenon. Dahil ikakapahamak nya ang maging boyfriend ka. " sabi nya habang pinipilit na tumayo.

Nilapitan ko siya at kwenilyuhan. " Anong karapatan mo para sabihin sakin yan huh?? " sabi ko na may diin sa pagmumukha niya.

" So, hindi niya naikwento sayo ang mga nangyare sa kanya kahapon. " binitawan ko yung kwelyo niya. At tumingin sa kanya na may pagtataka.

" Anong ibig mong sabihin? Anong nangyare sa kanya kahapon? " nagtataka kong tanong sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Anong nangyari kahapon? Wala naman sinabi sakin kahapon si Shen.

" Tsk. Nakita mo ang mga picture namin diba? Yung isa nasa làbas ng eskwelahan. Niligtas ko lang siya sa motor na nagtangka na sagasaan siya. Kaya hinila ko siya papunta sakin. At yung isa naman na magkaholding hands kami ay hinawakan ko lang ang kamay niya at hinila papunta parking lot. Kasi sabi niya sakin ay naghihintay ka raw dun. Ayaw niya sana ihatid ko siya kaso nagpumilit ako. Baka balikan pa siya nung nakamotor na gusto syang sagasaan. Ngayon alam muna. At mas lalong walang kaming relasyon ng girlfriend mo. Kung yan ang iniisip mo." mahabang paliwanag niya. Bakit tinamaan ako ng konsensya ? At bakit hindi to sinabi sakin ni Shen?

" Wala akong balak agawin sayo si Shen. Alam kong mahal ka niya. Nagkataon lang na kapag nasa kapahamakan siya ay andun din ako. " sabi niya pa. At anong ibig niya sabihin na pabaya ako na boyfriend. Masakit man isipin pero yun ang totoo. Damn!

" Tama ng paliwanag ko. Oras naman na kausapin mo ang girlfriend mo kung hindi niya sinabi sayo yun. " dagdag niya pa. At tumalikod na paalis.

Shit! Anong klasing boyfriend ako? Ni hindi ko man lang nabantayan ng maigi ang babaing mahal ko.

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon