Dedicated to Lany_Lyn
________
Pasensya na, if medyo magulo ang chapter na'to. Enjoy reading.
More last two chapters...
________
Chapter 71
_________
"I didn't know that you we're our captive. I hope you're still remembered me, Shen." Sabi ng kamukha ni kuya Xander.
Nanlalaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Siya talaga si kuya Xander? Ang boyfriend ni ate Gail at ang kuya ni Xenon. Paano syang nabuhay? Kung matagal na siyang patay, sampung taon na. Pero ganun parin ang itsura nito. Wala paring pinagbago. Ngunit ang kanyang katawan ay naging malapad ito at maskuladong tignan.
"Paano ka-"
"It's a long story. But to make it shorter. I take a drug. A drug can live longer, can make me feel still young, and don't feel any pain.." Mariing saad nito at diniin pa ang huling sinabi.
Drug? Anong klasing drug iyon?
"Kung nabuhay ka pala noon. Bakit hindi ka nagpapakita sa amin? Lalo na kina Xenon, nang pamilya mo." Mariing saad ko rin sa kanya.
Kung buhay pala siya. Bakit hindi niya pinaalam kina Xenon? Sa pamilya niya? Bakit hindi siya nagpakita ng sampung taon? Bakit nagtago lang siya? Naikwento rin nina kuya Diel sakin, naging magkaibigan din sila ni kuya Xander noon. Naging grupo pa sa isang gang.
"Because I don't want to. For what? I'm just an adopted. Xenon is the only child of Blood family. He's the heiress. The only heiress. And me? Was...nothing!" Mariing saad niya.
Tinikom niya ang kanyang bibig at kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga. May nakita akong galit sa mga mata niya. Galit at poot na may pagkamuhi. Naguguluhan parin ako sa kanyang mga sinasabi. Anong ampon? Paanong nangyari yon? Alam ba ito ni Xenon?
"Yes! Ampon lang ako sa pamilyang Blood. Nung nalaman kong ampon ako, nagalit talaga ako. Na-realize ko. Kaya pala nung nabuntis si mommy kay si Xenon. Hindi na nila ako pinapansin at laging pinapagalitan sa bawat galaw ko. At lalo nung pinanganak si Xenon, hindi na nila akong magawang kumustahin at tanungin kung okay paba ang pag-aaral ko, kung mataas paba ang mga grades ko. Tinuon na nila ang kanilang buong atensyon kay Xenon. Ni ayaw nila akong palapitin kay Xenon para makipaglaro man lang. Gusto nila lagi itong nag-aaral at libro lang kaharap nito." Pagkukwento niya.
Sa pagkukwento niya ay ramdam ko ang kanyang kalungkutan. Ang akala ko talaga pure magkapatid sila kuya Xander at Xenon. Hindi pala. Hindi ko akalain na may tinatago pala silang ganitong mga bagay. At hanggang ngayon ay nakatago parin.
"Pero si Xenon-"
"Si Xenon? Oo. Naging mabait naman sakin si Xenon. Kasi hindi niya alam na hindi pala kami magkapatid. Pero pilit parin siyang nilalayo ng mga magulang niya sakin. Pilit itong sinasabihan na…'Xenon. Wag kang makipaglaro diyan sa kuya mo. Dito ka. Mag-aral ka rito. Lumayo ka diyan sa kuya mo. Tamad yan mag aral.'..."
Tumawa siya na habang umiiling-iling. Pero ramdam ko ang pait at lungkot nito ng kanyang mga sinasabi.
"Nung High school nagsimula na akong magrebelde. High school kona rin nalaman na ampon ako. Kaya simula noon ay sumasali nako sa mga gang. Doon ko nakilala ang mga kuya mo. Naging grupo kami. Kung saan ang away, nandoon kami. Naging hobby kona ang basag-ulo noon. Hindi na rin ako pumapasok sa eskwelahan. Para saan pa? E. Wala namang pake alam sa'kin, hindi ko naman magagamit ang mga natapos ko. Gusto kong makapagtrabaho sa company ng Blood. Pero narinig ko silang nag-uusap, hindi pwedeng ipasok ako sa company nila kasi natakot sila malaman ng lahat na ampon lang ako. Natakot sila na maging issue iyon. Kaya naman hindi kona pinagbutihan ang pag-aaral ko at laging umuuwi na may pasa at sugat sa mukha. Pero kahit ganun parin ang itsura ko ay wala parin silang pakielam sakin."
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
ActionI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.