Chapter 43

378 21 2
                                    

Chapter 43

-----

Shen's POV

Papunta ako ngayon sa library para manghiram ng libro. Hindi na sumama sakin si Alexa kasi may pupuntahan daw siya. Nang tanungin ko naman siya, ayaw naman nyang sabihin kaya hinayaan ko na lang.

Habang naglalakad ako ay may biglang humila sakin. Sisigaw na sana ako. Nang agad niya rin tinakpan ang bibig ko at hinila sa isang silid na walang katao tao. Diko siya makita kasi nasa likod ko siya. Ngunit pamilyar sakin ang gamit nyang pabango. Nang makapasok kami ay agad nyang sinara ang pinto at nilock ito. Sa kamay pa lang niya ay kilala kona kung kanino ito.

Tinanggal niya ang kanyang isang kamay sa bibig ko. At niyakap niya ko mula sa likod ko. Siniksik nya rin ang mukha niya sa leeg ko. Kaya naramdaman ko ang mainit nyang hininga. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan.

Shit! Ano ba tong ginagawa niya sakin?

"I miss you so damn much Shen." namamaos nyang sabi.

Napapapikit ako ng mariin. At sinimulan na ng tanggalin ang kanyang kamay na nakagapos sa maliit kong bewang. Ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin.

"Xenon, tama na. tigilan mo nato." pakikiusap ko sa kanya.

Mas lalo pa niya isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ko. Kaya naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa balat ko. Hindi ko maiwasan makaramdam ng init dahil sa ginawa niya. Lalo na naramdaman ko yung 'ano' niya. Sa sobrang dikit ng katawan nya sakin. Shit. Marupok pa naman ako.

" Ano ba! Xenon! " inis na sigaw ko sa kanya.

"Hmmm? " anak ng! Ito na naman 

ang style niya. Tsk.

"Xenon! Pakawalan muna ako. please." pakiusap ko ulit sa kanya.

"No! Ayoko! Hindi kita pakakawalan Wife. Hindi ako susuko sayo." sabi niya na may diin.

"Ang tagal kong naghintay Shen sa pagbalik mo. Sampung taon din yun Shen. Sa tingin mo, ngayon paba ako susuko? " sabi niya at tinanggal ang kanyang pagkakayakap sakin. Mabuti naman.

Kaya humarap ako agad sa kanya pero agad din ako nagsisi sa ginawa ko, Kasi pagharap ko sa kanya ay agad nyang sinakop ang mga labi ko. Kaya sa sobrang gulat ko kaya di ako kaagad makagalaw. Nang makarecover nako ay hahampasin kona sana siya sa kanyang dibdib pero agad niya din sinalo ang kamay ko gamit ang isa nyang kamay tapos yung isang kamay niya naman ay nakapulupot sa bewang ko. Nang mas lalong nagpalapit ng aming katawan. Sinimulan na nyang igalaw ang kanyang mga labi. Habang ang aking mga labi ay nakatikom pa din.

Hinde naman ito ang first time naming dalawa. Pero bakit nang iinit ang katawan ko sa twing ginagawa nya sakin to.

Kinagat niya ng mahina ang ibabang labi ko. Dahilan ay naibuka ko ito at nang maipasok niya ang kanyang dila sa loob ko. Hindi ko na kinaya at nadala nako sa init na nararamdaman ko. Tumugon ako sa mga halik niya at isinabit ko ang braso ko sa leeg niya. Ginaya ko kung pano siya humalik sakin. Naging malalim ang paghahalikan namin dalawa. Hanggang sa halos mawalan na kami ng hininga. Kaya napabitaw kami at habol na habol namin ang aming hininga.

" That's so warm." he whispered.

Ano ba tong ginagawa mo shen? Dapat umiwas ka na eh.

Hinawakan kona ang door knob ng pinto para makalabas nako. Ngunit pinigilan niya ko.

" Shen, please, mag usap naman tayo oh. Ayusin natin to." sabi niya. Nakita ko naman sa kanyang mga mata na sincere siya.

"Wala na tayo dapat pag usapan pa. Wala na tayo Xenon. At may fiance kana diba?" sabi ko habang pinipigilan ang aking mga luha na nagbabadyang lumabas saking mata.

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon