Chapter 22
-----
-- The Gangster King. --
Shen's POV
"Xenon... " nanginginig kong tawag sa kanya. Lumingon ito sakin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag alala. Lalapit na sana siya sakin nang mapatingin ito sa likuran ko kaya huminto siya.
"Nice to see you again Blood. " sabi ng isang lalaki sa likuran ko. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang malamig na bagay sa likod ng ulo ko. It's a hand gun. Baril? Isang bagay na isang putok lang nito ay alam mong patay kana.
" Ybañez.. " rinig kong bulong ni Xenon. Halata naman sa kanyang mga mata ngayon ang galit. Na parang gusto na nitong patayin ang taong mismo na nasa likuran ko. Tumingin si Xenon sakin. Tinignan ko siya at sinuri ang kabuoang sya. Napansin kong may sugat siya sa kanyang balikat. Tumingin ako sa mga mata nito na may pag alala pa rin sakin mga mata, ngunit hindi nawala ang galit sa kanyang mga mata dahil siguro sa lalaki na nasa likuran ko ngayon.
" Ano yan? nag uusap kayo sa utak ninyo. How sweet niyo naman. " pang aasar ng lalaki sa likuran ko. Hindi pinansin ni Xenon ang mga pinagsasabi ng lalaki bagkus ay nakakatitig lang ito sakin. Napasinghap ako ng idiniin ng lalaki ang kanyang baril sa akin ulo.
" Magpaalam kana sa babaing pinaka mamahal mo Blood. " sabi ng lalaki. At ikinasa ang baril. Sobrang kabado ako ngayon. Namamawis na din ang mga kamay ko. God. ito nabang katapusan ko.? Laking gulat namin nang biglang tumawa ng malakas si Xenon sa harapan namin.
" HAHAHA! PFFT... are you stupid dude? mukhang nagkamali ka yata sa pagkidnap. Hindi yan ang babaing mahal ko. " sabi niya habang tumatawa. Bakit parang ang sakit marinig para sakin yun? Bakit parang may kung anong kumirot sa dibdib ko? Bakit ganito?
" Wag mokong inuuto Blood dahil nag imbestiga ako. May inutos akong tao para manmanan ka. KAYO!! kayong lahat ng mga kagrupo mo!! " nangangagalaiting sabi ng lalaki sa likuran ko. Napahiyaw ako bigla nang idiniinan pa niya ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko.
" BOBO pala ang inutusan mo ihh!! kagaya lang ng nag utos sa kanya. " sabi ni Xenon na ngayon ay nakangisi na.
Tama nga naman. Bakit ako ang nakuha nila ? ihh hindi ako ang mahal ni Xenon. Saka may girlfriend na yan no. At hindi ako yun.
" T-tama s-sya. H-hindi ako m-mahal niya. M-may g-girlfriend na si Xenon. At h-hindi ako yun. " pautal-utal kong sabi. Nagtaka naman si Xenon na sinabayan ko siya. Pero hindi ko siya sinabayan no. Totoo naman yung sinabi ko eh, "Kaya p-please wag ninyo na ako idamay dito, kasi gusto ko pang mabuhay. Parang awa muna pakawalan mo nako. " pagmamakaawa ko sa lalaki na nasa likuran ko.
" Hindi ako naniniwala sa inyong dalawa. Kaya wag nyo ko pasakayin sa kadramahan nyo!!! " pasigaw na sabi niya at lumapit pa ito sakin. At mas lalo pang diniinan ang kanyang baril sa ulo ko.
" Then Shoot her. " walang emosyon na sabi ni Xenon na ikinagulat ko. What?! Hahayaan nya na lang ako mamatay. Anong klasing tao siya? Ay hindi. Tao paba sya?? Ang sama niya!!! Nanunubig na ang mga mata ko sa sama ng loob. Mamatay na lang ba ako na hindi ko makakasama ulit sila mommy at daddy? Sila kuya Diel at kuya Niel. I miss them so much.
" Go. kill her and i don't care... " sabi niya pa at naglakad na patungong pintuan ng kwartong ito. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ang pagputok ng baril.
Bang!!!!
Kasabay nun ang pagkawala ng ulirat ko...
***
Nagising ako dahil biglang sa sumakit ang tyan ko kaya bumangon ako mula sa aking pagkakahiga. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Andito ako sa isang kwarto at kulay puti ang buong paligid.
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
ActionI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.