Chapter 41
------
Naglalakad ako rito palabas sa gate ng mansion nila Xenon. Hindi ko na kayang manatili pa sa loob ng bahay na yun. Ayoko na makasama ang mga nagtraydor sakin. Oo, masakit sakin ang mga nalaman ko. Masakit, Ang tinuring mo ng kaibigan at kapatid ay tinatraydor ka pala. Pinagmukha ka lang palang tanga sa umpisa. Akala mo totoo sila. Pero sinasaksak kana pala sa likuran mo.
Pinahiran ko ang mga luha ko na kanina pa tumutulo ng walang tigil. Naglalakad lang ako habang umiiyak. Bwiset! Ayaw talaga tumigil ng mga luha ko sa pagtulo.
Naghahanap ako ng masasakyan.
Nang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako rito.
"Shen... " agad kong binawi ang kamay ko nang makita ko kung sino.
" Ano pabang kailangan mo? " walang ganang tanong ko sa kanya.
" Shen, magpapaliwanag ako. " pagmamakaawa nyang sabi. Umiiyak siya ng sinabi niya yan. Kaya umiiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong tignan siya sa kanyang mga mata. Hindi ko kaya.
" Kung gusto mong magpaliwanag. Sana noon mo pa yan ginawa. Pero hindi. Hindi mo sinabi sakin ang totoo bagkus itinago mopa ito. " sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.
" Sasabihin ko naman talaga sayo.." sabi niya.
Tumawa ako ng pagak. "Talaga? Ikukwento mo sakin ang nangyari sa parking lot? Kailan pa?" sarkastiko kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang pagkalaki ng kanyang mga mata.
" Oh? Ba't hindi ka makapagsalita ? Akala koba magpapaliwanag ka? " sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.
" N-nakita mo yu-- "
" Oo, nakita ko yun lahat. Kitang kita ko kung pano ka tumugon sa kanyang mga halik. " sabi ko na habang umiiyak.
" Shen-- " kukunin na niya sana ang mga kamay ko pero inilayo ko ito.
" Bakit ka tumugon ? Bakit ka tumugon sa kanyang halik? Masarap ba syang humalik? " sabi ko habang pinipilit na wag pumiyok.
" Alam mo bang hinintay kong itulak mo siya at palabasin mo sa kotse mo. Ngunit, hinde mo ginawa !!! " sigaw ko at napayuko na lang sa sobrang sakit na sa twing maalala ko yun.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para makaayos na tayo.
" Shen.. I'm sorry.. " sabi niya at niyakap ako ngunit tinulak ko siya.
" Sorry?!! Bakit ? Hihilom ba ang mga sugat ng mga ginawa ninyo sa isang 'sorry' mo lang. " sabi ko sa kanya.
Pinunasan ko ang mga luha ko na dumadaloy sa pisngi ko. Lalapit na sana siya sakin para punasan ang mga luha ko. Pero umatras ako sa kanya. Umiiling iling ako palayo sa kanya. Sobrang sikip na. Hindi ko na kaya.
" Tama na Xenon. Hindi kona kaya." sabi ko at tumalikod na sa kanya.
Ngunit bigla niya kong niyakap mula sa likuran ko. Kaya mas lalo akong umiiyak.
" Shen. Please . pakinggan mo muna ako... " sabi niya at may tumulo ng tubig sa balikat ko. Kaya alam kong umiiyak na siya.
" Tama na Xenon. Pakawalan muna ako! " sabi ko habang pinipilit tinatanggal ang mga braso niya na nakakapit sa bewang ko.
" Ayoko.. Ayoko Shen.. Hindi ko kaya...hindi kita bibitawan. " sabi niya na habang umiiyak. At mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.
" Kapag hindi moko bibitawan. Masasaktan mo lang ako, Xenon. " sabi ko na habang umiiyak din at sinisikap tanggalin ang mga braso niya sa kamay ko. Nagtanggumpay naman ako. Saka ko siya tinulak ng buong lakas ko.
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
AcciónI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.