Chapter 6

1K 59 0
                                    

Chapter 6

--------

Shen's POV 

Andito nako sa university. Ang aga kong pumasok ngayon. Syempre, ayoko na naman malate no. Nakaupo ako rito sa may bench. Nagbabasa ng paborito kong libro. Habang nagbabasa ako ay may biglang nagsalita.

" You Bitch!! " kaya binaba ko muna yung libro ko. At tinignan kung sino yun.

Tatlong babae na nakatayo sa harapan ko. Makapal yung make up nila. At sobrang ikli ng mga palda nila. Na halos makikita na ang mga kanilang panty. Parehong nakataas yung mga kilay nila na nakatingin sakin.

" A-ako p-po?  " tanong ko sa kanila. 

"Yes! You! May ibang katabi kapa ba dyan? " pagtataray na sabi ng babae na nasa gitna habang nakapamewang sa harapan ko.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko. 

Wala namang tao," W-wala. " nauutal na sagot ko sa kanila. "Anong kailangan niyo sakin? '' dagdag na tanong ko sa kanila.

Tumabi sakin yung dalawang babae. Yung isang babae naman ay nanatili lang nakatayo sa harapan ko. Tumingin tingin mo na siya sa buong paligid. Nagtaka naman ako nun. Nang biglang hawakan ang mga braso ko sa dalawang babae na katabi ko.

" A-anong g-gagawin nyo s-sakin h-ha? " kinakabahan na tanong ko.

"Sumama ka samin. " sabi nung babae na nasa harapan ko. Tapos hinihila na nila ako sa kung saan.

Waaah!! Saan ba nila ako daldalhin?

***

Nico's POV 

Shit!!!

May nawawala na naman estudyante kahapon lang. Pangatlong beses na may nawawalang estudyante rito sa eskwelahan nato. At mababalitaan na lang namin ito. Nang makita na ito sa tapat ng gate sa university na wala ng buhay. At hindi pa nalulutas ang kasong nato. Kasi wala pa raw sila nakukuhang lead hanggang ngayon ang mga batas.

Pati kami hindi alam ang gagawin.

Nagugulahan na rin kami sa kasong to. Tumutulong din kasi kami sa paghahanap sa kung sino ang may pakana sa nangyayari dito. But still, wala pa rin kami nakukuhang information. Talagang magaling at malinis gumawa ng krimen ang kung sino man ang may pakana nato. Professional Criminal ang gumawa nito.

" Shit! Sumasakit na yung ulo ko rito." Usal na sabi ni Dexter habang nakaupo sa may couch.

Nandito kaming apat ngayon sa Blue House. Habang iniisip namin kung pano mahuhuli yung kriminal na may gawa nito, " Take a look of this pictures. " sabi ni Xenon saka inilagay niya yung mga pictures ng mga tatlong  bangkay na estudyante sa center table.

Tinignan naman namin yun. Parehong may maliit na butas sa tapat ng mga leeg ng mga biktima. Isang tusok ng isang karayom.

Karayom ? Anong ibig sabihin nyan? Tanong ko sa sarili ko.

***

Shen's POV

Nandito ako ngayon sa isang kwarto. Pagkatapos akong hilain ng mga babaing yon at dinala ako rito. Saka iniwan. Ang alam ko nasa loob pa rin ako ng university nato.

Nakaupo ako rito sa may gitna ng kwarto nato. Nasa bandang ulo ko ang nag iisang ilaw dito sa silid. Bago kasi nila ako iniwanan dito àt itinali nila muna ako rito sa kinauupuan ko.

Natatakot nako rito. Kanina pa rin ako umiiyak sa sobrang takot ko. Kahit may ilaw dito sa tapat ko ay kita-kita ko pa rin yung madilim sa bawat sulok ng kwarto nato. Ano bang gagawin nila sakin? Sino ba yung mga babae na yun? Anong kailangan nila sakin?

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon