Chapter 60

190 15 4
                                    

Chapter 60

Umiwas ako kaagad bago pa maiputok ni Nico ang kanyang baril. Shit! Muntikan na yun, a. Tumingin ako sa lalaking nakahandusay na sa likoran ko, na tinamaan ito sa noo niya. May narinig kami na paparating na sasakyan. At mukang mga kalaban ito. Kaya nagtago kami kaagad sa malaking puno. Medyo malayo pa ito rito.

"Nico, may paparating pa yata." Sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sakin, at kahit paika-ika siya'y na kaya pa nitong lumakad.

"Umalis kana rito, Shen. Iligtas muna ang sarili mo." Sabi nito. Nahihibang naba siya?

"Shut up! Nico. Hindi pako nababaliw para iwan ka rito. Don't acting like a hero." Pataray kong sabi sa kanya, saka ko siya inirapan.

Nakakainis to. Akala niya sakin, basta-basta na lang mang-iiwan sa ere. Andito na nga to, e. Ano? Tatakbo pa ba ako.

"Hindi mo nga sila kaya, e." dagdag kopa.

Hinilamos niya ang kanyang kamay sa mukha niya. Halata sa kanya ang pagkapikon sa aking mga sinasabi.

"Pag ikaw napahamak, lagot ako kay master at sa pamilya mo." Mariin nyang sabi. Inirapan ko na naman siya.

Sa limang lalaki kanina ay dalawa lang ang namatay, yung tatlo naman ay nakahandusay din, pero namimilipit lang ito sa sakit. Kaya siguro nakatawag pa ito ng back up. Huminto na ang sasakyan, nag uunahan nagsilabasan ang mga nasa loob nito. Tama nga kami ni Nico, mga kalaban nga sila. Andito kami ni Nico sa isang malaking puno. Buti na lang nakatago kami kaagad rito.

"Mukang marami sila." Sabi ni Nico.

"So anong gagawin natin? Pano tayo makakalabas rito?" Tanong ko sa kanya.

"Akong bahala sayo." Sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay, at napairap na napapatingin sa sugat niya.

"Really?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Shen naman, konting support naman diyan." Sabi niya sakin.

"Magtiwala ka lang." Dugtong niya.

"Nasaan na sila?" Rinig namin sa nagtatanong na bagong dating na lalaki sa kanyang kasamahan na nakahandusay sa lupa.

"Nandoon sila." Sagot naman ng lalaki na nakahandusay sa lupa. Sabay turo sa bandang dito.

Shit, kinakabahan nako ngayon. Pag nakita kami rito, tiyak ay papatayin kami kaagad. Dalawa lang kami, marami sila. Anong laban namin sa kanila? At may sugat patong kasama ko.

"Shen, makinig ka sa'kin, hindi pweding pareho tayo mahuhuli rito." Umpisa ni Nico, habang pasilip-silip sa mga kalaban na papalapit na rito.

"Lalabas ako rito, tapos pagkalabas ko ay tumakbo kana agad, ha." Napapapikit ako ng mariin sa sinasabi ni Nico.

E-cocover niya ang kanyang sarili, para lang mailigtas ako. Nahihibang na talaga siya.

"What the stupid thought, Nico." Mariin kong saad sa kanya.

"Damn it! Shen. Sundin mo nalang ako, we have no other way." Napahawak ako sa noo ko dahil sa kanyang naisip.

Oo, tama siya, wala nang paraan. Ngunit ayoko naman sundin ang sinasabi niya. Hindi... ayoko... Hindi kaya ng konsensya ko yun. Pero yun na lang kasi ang tanging paraan para mailigtas ang isa sa amin.

"Ano Shen? Sige na, malapit na sila oh." Sabi niya.

"Pero Nic-"

"I'll count to three, then you have to run, okay?"

Tumulo na ang mga luha ko at habang umiiling-iling sa kanyang sinasabi. Tumingin siya sakin, nakita niya akong umiiyak na. Kaya pinahiran niya kaagad ang mga luha na naglandas sa pisngi ko. Hindi kona napigilan na umiyak sa kanyang harapan. Dapat nga hindi ako nagpakita na ganito, dapat sinunod kona lang siya. Pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko ngayon, na gustong lumabas sa aking mga matp. Sa lahat ng pang-i snob at pagtataray ko sa kanya araw-araw, handa niya parin itaya ang kanyang sarili para sakin, handa niya parin ako iligtas. Hindi parin siya nagbabago.

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon