Chapter 70

179 9 10
                                    

Dedicated to Ugly_Writes

Chapter 70

-Venus Gang-

_________

Nico's POV

Nagulat kami sa pagpasok ng tatlong babae dito sa bahay. Nakablack sleeveless at black jeans sila. Nakamaskara pa ito kaya hindi pa namin makikita ang kanilang mga mukha. Sino kaya sila? At bakit parang familiar sakin ang kanilang mga tindig.

Tumitingin-tingin pa ito sa paligid na parang may hinahanap ito. Tumingin sila sa ikalawang palapag ng bahay. Aakmang aakyat na sana sila nang pigilan sila ni Diel.

"Where are you going? At anong karapatan nyong pumasok sa bahay namin?" Sigaw ni Diel. Sumunod kami kay Diel para harangin ang tatlong babae na gustong umakyat sa second floor. Ngunit hindi kami pinansin nito at nakatingin lang sa hagdan.

Napatingin naman kami sa kanilang tinitignan at nakita kong pababa si Niel sa hagdanan kasunod sina Trixie at Sam. Nagtataka rin naman silang nakatingin sa tatlong babae.

"Sino sila?" Tanong ni Niel na may pagtataka.

Nakatingin lang ito sa babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Maski kami ay nagtataka sa mga babaeng ito kasi bigla-bigla na lang sila pumapasok dito. At kanina pa kami nagtatanong dito pero walang sumasagot. Hindi kami pinapansin ng mga babaeng ito. Pipi ba sila? Kanina kopa napapansin ang mga bracelet nilang suot, kumikislap-kislap ito. At lagi rin sila nakatingin dito, na parang chinicheck ito. Ano kaya ibig sabihin nyan? At anong meron diyan?

"Si Shen?" Tanong ko nang hindi nila kasama si Shen. Nasaan si Shen?

"She was not in her room. I've already squished the whole floor but she's not here." Sagot ni Niel.

"Sabi naman sa inyo hindi natin siya dapat iniwanan dito e!" Sigaw nung babae na nasa gitna.

Kaya napatingin naman kami sa kanila. 

"Who are you? Why y'all don't wanna answer our questions?" Sigaw ni Diel sa kanila. Galit na ito.

Kaya napatingin sa kanya ang tatlong babae.

"Bakit? Sino kaba? Ikaw ba ang nagmamay-ari ng bahay na'to. At saka paanong nawala si miss… Shen. Ano bang ginawa ninyo? At-"

"Teka. Kayo yung mga babaeng magtali sa amin sa speedboat." Biglaang pagsabi ni Dexter kaya napatingin kami sa kanya.

"Good. You still remembered us." Sabi nung babae, ang pinakamatangkad sa kanila. Bigla nitong tinanggal ang kanyang maskara, at ganon din ang ginawa ng kanyang mga kasama. Nanlalaki ang mga mata ko nang mapag-alaman ko kung sino sila.

"Oh my God! Kayo yung transferee sa university namin. Yong kaklase namin!" Sigaw ni Alexa sa sobrang pagkagulat.

Oo nga! Sila nga ito. At tama nga ang hinala namin noon. Mga gangsters din sila.

"Yeah! Kami nga. At kami rin ang magtali sa inyo sa speedboat kagabi." Sabi ni… ano nga bang pangalan nito? Nakalimutan kona.

"In case y'all don't remember our names at sa hindi pa magkakakilala sa amin. I'm Courtney. Ito naman si Angel at Tammara." Pagpapakilala nito. Mukang siya ang pinakamadaldal sa kanilang tatlo. Kasi yung dalawa ay madalang lang nagsasalita.

"Inutusan ba kayo ng leader ninyo na si Gangster Queen?" Tanong ni Alexa.

"And what do you need? At… Yes! I'm the owner of this house." Sabi ni Diel.

"Ikaw ba yong kuya ni Shennea?" Cold na tanong ni Angel. At binalewala lang ang mga tanong nina Alexa.

Sa kanilang tatlo, siya yong pinakamatahimik at hindi masyadong nagdadaldal. Seryoso itong nakatingin sa amin.

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon