Chapter 55
-----
Nandito ako sa mall para bumili ng girly staffs. Namimili ako ng make up kit. Kinuha ko ang kulay brown at red lipstick.
"Alin ba rito ang mas bagay sakin?" tanong ko sa aking sarili. Hmmm, tatanungin kona lang ang manager dito.
"No need to use that, maganda ka naman." narinig kong sabi ng lalaki sa likod ko.
"Tsk." Usal ko. Ano kaya ginagawa niya rito?
"Ahh miss, saan ang manager nyo rito?" tanong ko sa saleslady.
"Naku ma'am, mamaya papo siya makakarating dito, kasi may inaasikaso pa yun." Sagot nito sakin.
"Ahh ganun ba, ahm, miss, alin ba ang mas bagay sakin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh, pareho naman bagay sayo ma'am." Sabi nito sakin, kaya napangiwi ako.
"Ay ma'am, bakit di n'yo na lang tanongin si sir." Napatingin ako sa sinasabi nyang sir. Nakangiti itong nakatingin sakin, kaya inirapan ko siya.
"No, thanks." Sabi ko at nagpunta sa cashier. Naramdaman ko naman sumunod si Ivan sakin. Ano bang problema nito? Bakit niya kong sinusundan? Eh, hindi naman close nito noon. Hindi ko nga maalala kung convos ba kami noon, e.
"Itong dalawa, miss." sabi ko sa kahera. Pagkatapos niya ito ibinalot.
"500 pesos po, ma'am." sabi nito sakin.
"Ahh, okay." Kukuha na sana ako ng ATM card ko.
"Ito na, miss." napatingin ako sa nagbigay ng ATM card sa kahera. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ako na, may pera naman ako, e." Pasigaw na sabi ko.
"Ang bagal mong kumuha." Sabi naman niya. Tsk.
"Paki moba!!" Sigaw ko rito, saka umalis na sa lugar na yun. Dala ko ang pinamili ko. Hindi nako nagpasalamat kasi hindi naman ako nanghingi sa kanya. Bahala siya.
Sumakay ng escalator papuntang second floor. May gusto pakong bilhin. Pumasok ako sa isang boutique ng mga damit. I like floral dresses, yung hindi masyadong maikli. Pumili ako ng mga kulay. Pinili ko ang kulay pink na dress, na may konting bulaklak. Nakahanger ito at nakasabit sa mataas na sampayan. Gusto ko itong kunin, pero hindi ko maabot ang hanger. Nang biglang may kumuha rito. No!
"Teka! Akin yan. Ako ang nakauna d'yan!" Sigaw ko sa kumuha nito. Kung sino man siya, kakalbuhin ko talaga siya. Pag kinuha niya ang dapat ay sakin.
"Kinuha ko lang to para sayo, wala akong balak agawin to." sabi nito. Kaya nanlaki ang mga mata ko sa kung sinong kumuha nito.
"Ito ohh.." Nakangisi itong inabot saking ang damit. "Ang liit mo kasi, kaya di mo maabot." dagdag pa nito. Ano naman kaya ginagawa nito rito?
"Hindi ako maliit no! Sadyang nasa taas ito nakalagay." Sigaw ko. Sabay kuha ng damit at tinalikuran siya. Narinig kong tumawa ito nang mahina.
"Ba't di mo muna isukat yan?" Tanong niya habang nakasunod sakin. Ano bang ginagawa niya rito? E damit ng pambabae lang ang andidito, walang panglalaki.
"Hindi na kailangan." Mariin kong saad. Habang namimili pa ng ibang damit.
"Naalala mo pabang yung una nating kita at dinala kita rito sa boutique? Kasi puno ng putik ang uniform mo." Pagkukwento ni Nico. Hindi ako nagreak sa kanyang mga sinabi. Hindi ako interesado. Abala parin ako sa pamimili ng damit, habang siya nakasunod sakin.
"Napagkamalan nga kitang baliw nun, e." Patuloy niya sa kanyang pagkukwento.
"Alam mo bang---"
"Nakalimutan kona yan, Nico. At ayaw ko ng alalahanin pa yun." Walang ganang sabi ko pagkaharap sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Na tila bang hindi siya makapaniwala sa inasta ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinalikuran siya.
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
ActionI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.