Chapter 18

881 50 0
                                    

Chapter 18

-----

Shen's POV

Kakapasok ko lang sa room, wala pang teacher, syempre maaga pa eh. Medyo madami na rin estudyante rito sa room. Nagbabatuhan ng mga papel, yung iba naman nagseselpon lang. Umupo nako sa upuan ko. Nang may biglang pumasok sa may pintuan. Kaya nagsitigilan ang lahat sa kanilang mga ginagawa. At ang mga babae ay nag uumpisa ng magsitilian. Kung makatili naman parang wala ng bukas. Tsk, paki koba!!! 

Akala mo naman diyos kung sinasamba ng mga babae.

Hanggang ngayon ay naalala kopa rin yung nangyari kahapon. Ninakaw niya ang first kiss ko. Para sa akin, hindi yun date kahapon. DISASTER yun...

" Aray!! " napabalik ako sa katinuan nang may nambato sakin ng scrampled paper. kaya kinuha koto. Nang tinignan ko ay may nakasulat.

' HINDE KABA NAKATULOG DAHIL SA NANGYARE KAHAPON. '

Nung una, hindi kopa nagets. nang nagsink in na sakin yun. Alam ko na kung sino nambato sakin nito. Lumingon ako sa likod. Aba! ang tikbalang, nakangisi pa.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. " Hoy!! Tikbalang!! talaga bang nang aasar ka huh!! " sigaw ko at inilagay ang papel sa mesa.

" What? Tikbalang? Ang ganda ng pangalan ko tapos tatawagin mo lang ako ng tikbalang!! " sigaw din niya. Aba, ang mokong may pa 'what' 'what' pa. Eh, ano naman ngayon. Bagay maman sa kaniya ang 'tikbalang' ahh.

" Alam kong ikaw ang nangbato sakin nito. maangmaangan kapa. " sabi ko sa kaniya.

" Eh, ano naman ngayon kung ako. Aangal kaba Uranggutan?!! " pasigaw nyang sabi. Ano? Tinatawag niya ba akong uranggutan? Ang sama talaga ugali ng lalaki nato! Nagtawanan naman ang mga kaklase namin.

" Ano bang sinisulat mo ha? Ano bang ibig mong sabihin sa sinisulat mo? Na ... Na... Na big deal pa rin sakin na kinuha mo ang first kiss ko. Kaya hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yun. " hinihingal kong sabi sa kaniya. Kinabahan kasi ako.

"Wala akong sinabi na ganyan. " sabi ni Xenon.

Narinig kong napasinghap ang lahat. At halatang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Shit!! nakakahiyaaa... Ba't koba yun sinabi? At isinigaw kopa talaga.

" HiHihinalikan ka ni Xenon?? "

" This can't be. "

" Unbelievable!! "

" This is end of my world. "

"NOOOOOO!!!!! "

Kontra nila sa sinabi ko. Mukha ba akong nagbibiro o gumagawa ng kwento. Ang OA naman nila kung makareact sa sinabi ko. Hindi naba ako pweding halikan ng isang sikat na lalaki.

" Totoo ba yung narinig namin?? " narinig kong tanong ng lalaki sa likuran ko. Si Nico. Kasama sina Ivan, Dexter at kaniyang kakambal na si Nica na kasama din sina Sam at Trixie. Na gulat na gulat din sa kanilang narinig.

Sasagot na sana ako nang pumasok na rin ang teacher namin.

" Ok class., sorry i'm late. " dali-dali kami nagsiupuan sa kinauupuan namin, "So, we have activity this morning . I want you to choose your partner. " sabi ni teacher. Hays, ano na naman kaya gagawin namin ngayon. Tinatamad pa naman ako.

******FASTFORWARD******

Andito kami sa Auditorium. Isang malaking dance floor ang nakita namin.

Ang sabi ng teacher namin, kami raw ang magdedesign nito para sa aquintance party bukas.

" Hays Naku, Embis na magbyu-beauty rest tayo ngayon para bukas. Pinapalinis naman tayo rito. Pambihira! Bakit ba kasi tayo ang inutusan nito eh." pagrereklamo ng isa sa mga kaklase namin. Task kasi namin to kaya ang pinapagawa.

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon