Chapter 23

835 51 0
                                    

Chapter 23

-------

Kakaupo ko lang sa upuan ko nang may naka lagay na sulat sa desk ko.

' Hintayin ka namin sa cafeteria Shen. Para sabay na tayo kumain ng lunch maya. ' -- Nica ---

Napangiti ako na galing pala ito kay Nica. Namimiss kona siya. Kumusta na kaya siya?

Hindi pa kami nagkita simula nung nangyari yon. Kakauwi ko lang kahapon galing sa resort nila Ivan. Buti wala pa sila kuya sa bahay kasi hindi pa nakauwi galing sa Baguio para dun mag training. Ewan ko, kung anong training yun. Buti na lang at hindi na nila malaman ang nangyari sakin. Mas mabuti na nga yun. Umayos na ako ng upo ng pumasok na ang teacher namin sa first subject.

Mukhang hindi papasok ang apat na yun. O late na naman. Madalas kasi yun pumapasok na late kaya hindi nako magtataka kung bigla bubukas ang pintuan at titili ang mga kababaihan dito sa loob ng room namin. May pa grand entrance pa kasi yung apat na yun. Makalipas ang ilang oras at lunch break na. Wala pa rin yung apat na yun. Saan na naman kaya yun pumunta?

Bahala na nga sila. Lumabas nako para pumunta sa cafeteria kung saan naghihintay din sina Nica. Habang naglalakad ako may mga narinig akong nagbubulungan sa daan.

" Wow! grabe, ang ganda naman niya. "

" Naah, hindi lang basta maganda no. Para syang goddest. "

" Oo nga . model siguro siya sa ibang bansa. "

Hindi ko na narinig ang iba pang mga sinasabi nila kasi nagtuloy-tuloy nako sakin paglalakad pamuntang cafeteria. Nang makapasok nako sa cafeteria ay nakita ko agad sina Nica, Sam at Trixie na nag uusap. Hindi nila napansin na paparating nako kasi mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

" So, Andito na si Franchise. " rinig kong sabi ni Sam.

" Yes ... at kasama siya ngayon ni Xenon. " sagot naman ni Nica.

Franchise? Teka ? Familiar ang pangalan niya sakin?

" Sino si Franchise?? " tanong ko bigla na ikinagulat nila.

" Ohh shen. Kanina kapa ba dyan? " tanong sakin ni Trixie.

" Ngayon lang naman. " sagot ko sa kanya at umupo sa tabi ni Nica, "So, sino nga si Franchise? " tanong ko ulit. Mukha kasing iniiwasan nila ang tanong ko.

" Makilala mo rin siya Shen. At sure ako magiging close mo syia gaya ng ---- . " hindi ko masyadong narinig yung huling sinabi ni Sam kasi mahina na ito.

" Kumain na nga tayo. Gutom nako eh. " sabi naman ni Trixie.

At nag simula na kami kumain. Nagkwentuhan kami habang kumakain. Madami kami pinagkukwentuhan. Tulad nung nangyayari nitong mga nakaraang araw. Habang nag uusap kami ay di ko maiwasan alalahanin ang mga pinag uusapan namin ni Xenon nung nakaraang araw.

They are gangster. Pano nila nagagawa yun, bilang normal na estudyante? Itong mga kasama ko ngayon. Sino ba ang mag aakala na sa inosenting mukha nila at parang di marunong manakit na mga babae ay isa palang mga gangsters.

Ang sabi sakin ni Xenon. Hindi raw sila mamamatay tao. Nakikipaglaban lang sila sa taong gustong sumira ng samahan nila. Pero hindi daw maiiwasan na may mga mamamatay. Pero sisiguraduhin nila na hindi inosente ang taong papatayin nila. Ikinwento rin sakin ni Xenon ang nangyari sa building na yun. Lalo na yung sinabi niya sakin nung bago ako mawalan ng malay. Sinadya niya daw yun sabihin para malibang yung kalaban. Kaya ayon naiintindihan kona.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa mga klase namin. Nagmamadali nga yun eh, kasi may pupuntahan pa daw sila.

***

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon