Chapter 38
----
Shen's POV
Pagkatapos namin kumain ay inihatid niya ko dito sa bahay. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan lang kami ng kung anong mga bagay-bagay. Hindi ko muna ikukwento sa kanya ang nangyari sa akin kanina at baka mag alala pa siya sakin.
...
Binuksan na niya ang pintuan na ng kotse niya rito sa may gilid ko. Kaya bumaba nako ng kotse niya. Papasok na sana ako sa gate namin ng tinawag nya ko.
" Shen? " napalingon naman ako sa kanya.
" Bakit ? " tanong ko sa kanya. Ito naba sasabihin niya sakin ang nangyari kanina. Ngunit, hindi pako handa. Pero. Lumapit siya sakin tapos hinalikan lang ang noo ko.
" Mamimiss kita. " napatawa naman ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi nito ? Eh magkikita naman kami bukas.
"Magkikita naman tayo bukas diba? " tanong ko sa kanya tapos niyakap siya ng mahigpit.
" Yeah, we will. " sabay halik sa ulo ko. Humiwalay ako at humarap sa kanya.
" I love you so much Wife. " sabi niya habang nakatitig sakin.
" I love you too Hubby. " sagot ko naman.
Bakit sa simpling ' iloveyou ' lang niya ay nawala na ang lahat ng mga hinala ko sa kanya. Ramdam kong buo ang kanyang pagmamahal sa akin. Walang kulang. At sobra-sobra pa.
Inilapit niya ang kanyang mukha sakin kaya napapikit na lang ako. Para hintayin ang pagdampi ng aming mga labi.
" Ehem!! " peking ubo ng tao ngunit, hindi kona lang ito pinansin at nanatili pa rin nakapikit ang aking mga mata. Ang tagal naman magdampi ng mga labi namin.
" Ang tagal naman. " naiinip na sabi ko kay Xenon. Habang nginunguso kopa ang labi ko.
" Ang alin baby girl? "
" Yung kiss.. " huli na nang magsink in sakin isipan ang taong nagtanong sakin.
" K-kuya D-diel... " utal kong sabi. Nang maimulat kona aking mga mata.
Tumingin ako kay Xenon na umiiwas ang tingin sakin habang nagpipigil ng tawa. Napakagat labi ako. Na habang nakatingin na masama sa kanya. Tsk.
Pinagkaisahan ako ng isang to. Nakakainis. Nakakahiya tuloy kay Kuya Diel.
" Oh ano ? Naglalandian pa kayo rito. Ba't di kayo sa loob maglandian ha?! " napayuko ako sa kahihiyan.
" Sorry po kuya. " sabi ko.
" Oh . pumasok na kayo para kumain na. Naghihintay na sila mama at papa sa loob. " yaya samin ni kuya Diel.
" Ahhh, salamat na lang. Pero mauna ako. May gagawin pa kasi ako. " sabi naman ni Xenon.
" Ahh ganun ba. Sayang naman nagluto si mama ng marami kasi akala niya sasabay ka. " sabi naman kuya.
" Naku, kuya. Kakakain lang din kasi namin sa restau eh. " singit ko naman.
" Kung ganun pala. Sige na. Mukang di kana mapipilit. " sabi ni kuya at inakbayan ako.
" Sige. Mauuna nako. " sabi ni Xenon saka sumakay sa kanyang kotse.
Pagkatapos ay pinaandar na niya ang kanyang kotse. Sinundan ko naman ng tingin ang kanyang kotse hanggang sa mawala ito sa aking paningin.
Pagkatapos ay pumasok na kami sa bahay ni kuya Diel. Hindi nako sumabay sa hapunan nila kasi busog pa naman ako. Kaya dumeretso nako sa kwarto ko at natulog na.
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
AksiI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.