Chapter 31
-----
Xenon's POV
Pinahiga ko siya sa may bato kasi nawalan siya ng malay. Sini CPR ko siya para magkamalay. At natagumpay naman ako. Umubo siya ng malakas upang maimabas ang tubig sa kanyang bibig at ilong.
" Shen, are you okay? " nag alalang tanong ko sa kanya. Tinititigan niya ko sa mga mata ko.
" Xenon. " banggit niya sa pangalan ko. Saka yumakap sakin. Niyakap ko rin siya na pabalik. Narinig ko syang humikbi. Umiiyak siya?
" Shhh... Stop crying.. " pag papatahan ko sa kanya.
" Akala ko, mamatay uli ako. " hikbi nyang sabi. Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Anong ibig nyang sabihin? Nakaalala naba siya?
"Ano ang ibig mong sabihin Shen?" nagtataka kong tanong sa kanya. Domoble ang tibok ng puso ko. Nang maalala ko ang tinawag niya sakin nung mahulog. Kung hindi ako nagkakamali ay tinawag niya ko sa second name ko.
" Naalala na kita Tyty." sabi niya na may ngiti sa kanyang labi. Hindi ko maiwasan na lumuha na marinig ko uli. Ang lagi nyang tinatawag sakin. Ang sarap sa pakiramdam nang naalala ka ng babaing mahal mo.
"Akala ko, hindi na kita maalala pa, Tyron." sabi niya at humiwalay sakin. Saka pinunasan niya ang tumulong luha ko.
" Hindi mangyayari yun. Dahil gagawin kong lahat para maalala mo lang ako." sabi ko sa kanya at niyakap ko uli siya. Habang hinahaplos ang likod niya.
Umiyak lang siya na umiyak hanggang sa natahimik na ito. Kaya napatingin ako sa kanya. Nawalan siya ng malay.
Kaya binuhat ko siya saka tumayo at lumakad na. Nakita ko rin ang paparating na life guard dito samin. Agad naman nila kaming pinasakay sa bangka.
Makalipas nang ilang minuto ay bumaba na kami sa bangka agad ko naman binuhat si Shen.
Sumalubong naman agad sila Nico samin.
" Ako na bahala kay Shen. " nangunot ang noo ko sa sinabi niya kaya tinignan ko siya na nagtataka. Bago lumakad palayo na sana ngunit, may sinabi siya na ikinabigla ko.
" Xenon. Andyan sina tita. " napatingin ako sa kanya.
" Tyron !! " tawag sakin ng napakafamilliar ng boses.
***
Shen's POV
Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman kong sumasakit ito. Napapapikit ako ng mariin sa sobrang sakit.
" Ate Shen. Are you okay ? Gising kana… Kuya Nico! Tawagin mo ang Doctor. Dali!! Gising na si ate. " rinig kong sabi ni Chise.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nanlalabo pa ito nung una pero unti-unti rin ito luminaw ang pananaw ko. Nakita ko si Chise na nasa kaliwa na nakatingin sakin na nag alala. Bigla naman pumasok ang Doctor kasunod nito ay si Nico. Bakit sila lang dalawa? Nasaan yung iba?
Lumapit sakin ang Doctor at sinuri ako. " May masakit ba sa'yo ija?" tanong sakin ng Doctor.
" Oo Doc. Masakit po ang ulo ko nung nagising ako. " sagot ko naman.
**
Matapos akong e check ng Doctor. Ay lumabas na ito.
" Ate, anong gusto mong kainin? " tanong sakin ni Chise.
" Saan yung iba? Saan si Xenon?? " agad kong tanong sa kanila. Nagkatinginan sila tapos tumingin sakin.
" Sinundo sya ng parents niya nung nasa resort pa tayo Shen. " napatingin ako kay Nico na syang sumagot sa tanong ko. Habang abala sa pagbabalat ng orange si Chise.
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
ActionI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.