Chapter 4

1.2K 68 1
                                    

Chapter 4

------

Shen's POV

Hanggang ngayon naalala ko pa rin yung nangyari kanina. Kahit nagklase na kami ngayon ay lutang pa rin ang isip ko magpahanggang ngayon.

Wala akong maintindihan sa dinidiscuss ni ma'am Garcia. Haish! Ano bang nangyayari sakin?

.

.

.

* BLAG!*

.

.

.

Napabalik ako sa sarili ko ng may narinig akong malakas na ingay sa may pintuan. Napahinto ang lahat ng nasa loob ng classroom pati na rin si ma'am Garcia. At napatingin sa may pintuan. Na may pumasok na apat na lalaki at isa na dun ay si....

Si Nico.

" Hello Shen, " bati sakin ni Nico. Nang mapadaan siya sa kinauupuan ko. Waaah!! Ang gwapo ni Nico. Ang cuuuttee. Ay! Ano ba talaga Shen? Gwapo o cute?

'Ang gulo ng isip mo Shen' sabi ng utak ko. Hihihi.

Natigil ako sa pagpapatansya kay Nico nung may sumunod din sa kaniya. Nakapoker face lang siya habang naglalakad. Gwapo naman siya. Mas gwapo pa nga siya kay Nico eh. Medyo may pagkasingkit din yung mata niya. Hindi yata siya binigyan ng baon ng nanay niya kaya ganyan ang mode niya. Messy hair. Na mas bumagay sa kaniya.

Habang papunta siya sa likuran napatingin naman siya sa gawi ko. Hindi ko maiwasan tumitig sa mga mata niya. Ang ganda ng mata. O_O

Nawala yung pagtitig ko sa kaniyang mga mata nung tumingin na siya sa likuran. At umupo sa tabi ni Nico.

Napatingin naman ako sa kasunod. Namilog ang mga mata ko nang makilala ko siya. Yung lalaking natapunan ko ng lasagna kahapon. Waaah! Andito siya! Magkaklase pa kami. What to do? Ay. Bahala na nga.

Nakapoker face din, pero mas nakakatakot ang awra niya. Gwapo naman siya. Matangos ang ilong. Tapos ang perfect ng shape ng mukha niya. Mala Adonis lang ang peg.

Napasinghap ako nung tumingin siya gawi ko. Tumitig siya sa mga mata ko. Ang ganda rin ng mga mata niya. Nakakalusaw.

Huh?? What am i saying??

Nang magsink in sa utak ko na nagkatitigan na kami ay dali-dali kong tinakpan ang mukha ko gamit ang notebook na nasa mesa ko. Ano ba Shen, late reaction ka naman. Nakita kana eh.

Ngumiti sya bigla sakin. I mean, isang nakakatakot na ngiti. Gessst. Kinalibutan tuloy ako. Pero, ganun pa man ay nakatitig pa rin ako sa mga mata niya.

Haish!! Bakit ba di ko maialis yung mata ko sa kaniya? Parang magnet lang. Pero bago pa man niya ko malagpasan. Ay may napansin ako. May pasa at sugat siya sa kaniyang mukha. Ano kaya nangyari don? Eh. Paki koba? Bakit ganito ang nararamdaman ko.

Ang sumunod naman ay yung lalaki kanina sa first class. Sino nga ba to? Dexter? Oo, yun nga. Dexter. Tama. Tama. Ano ba yan Shen. Alzheimer's strike ang peg.

Ngumiti siya sa lahat nang inilibot niya ang mga paningin sa paligid at napansin niya ko.

" Woahh!! Miss Rapper !! Nandito ka rin pala. " bati niya sakin. Nang papalapit siya. Kaya napatingin ang lahat sa'kin.

" Sino ba sya? ''

" Oo nga, kanina si Nico, binati siya, tapos ngayon naman si Dexter. "

" Oo nga, eh ako nga kahit anong pagpapansin ko kay Dexter di ako pinapansin eh. "

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon